2: Allsmiles

47 10 16
                                    

	Tatlong araw nang hindi pumapasok si Ion simula ng kaniyang masaklap na pagkahulog sa hagdan

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tatlong araw nang hindi pumapasok si Ion simula ng kaniyang masaklap na pagkahulog sa hagdan. Tatlong araw na niyang tinitiis ang bali ng kaliwang braso, na ngayo'y nakabalot sa benda; ang malaking asul-itim na pasa sa kaniyang mukha; at ang nabali niyang ilong. Sa tuwing mapapatingin siya sa salamin ay nakakakita siya ng isang estranghero. Isang pangit na estranghero. Minsa'y dumudugo ang putok niyang labi, at wala siyang malasahan kundi ang metal na lasa ng dugo.

Sala-salabat ang tanawin sa labas ng salamin ng kanilang unit. Tanaw ang magulong government housing buildings na may mga pader na di mo na malaman kung anong kulay, at sa ibang parte'y kinain na ng acid rain. Ngayong dapit-hapon ay unti-unti nang gumigising ang mga neon, halogen, at krimen. Ang Zone 5 ay isa sa pinakamagulong region sa Union. Idagdag mo pa diyan ang mga taong gutom. Tuwing gabi'y gumigising ang government housing, at naglipana ang pagbebenta ng mga ilegalidad.

Tatlong araw na rin siyang dinadalaw ng kaniyang mga brothers at sisters sa FOOF. Faith Of Our Fathers, ang relihiyong kanilang sinasampalatayanan. Isa sa churchmother ang kaniyang ina sa lokal na simbahan ng FOOF sa kanilang lugar, at hindi ito nawawalan ng dahilan para mas palapitin siya sa mga diyos. Nitong hapon lang ay dinalaw siya nila brother Harnold, brother Mikenel, sister Pulencia, at sister Mynorra. Sama-sama silang nagdasal sa harap ng marmol na altar sa kanilang sala.

Ang kaniyang mga brothers at sisters ay anak din ng ibang churchmothers sa FOOF, at palaging sinasabi ng kaniyang ina na mas mainam silang kasama kaysa ibang barkadang tuturuan ka ng kasalanan at kayamuan.

Pero hindi gusto ni Ion ang mga sandaling kasama niya ang kaniyang brothers at sisters. Hindi niya gusto ang mga nakaplaster nitong mga ngiti, ang kalmado nitong mga mata, at ang mga malalambing nitong mga salitang, "Magpagaling ka, brother Catalion. Mahal ka ng mga diyos," o "Magdasal ka palagi para malinis ka sa iyong kasalanan," habang hinahawakan ang kaniyang kanang kamay.

May iba sa kanila, matagal nang napansin ni Ion, pero di niya matukoy kung ano.

Narinig niya ang tugtog ng neo-jazz na nanggagaling sa Happy TV screen sa kanilang sala. Ang Happy TV ay ibinigay ng Central Government sa lahat ng tahanan sa Zone 5. Music Hour na, napansin niya, umupo sa lumang sofa na salvaged mula sa tambakan ng basura sa Waste, at tumutok sa 50-pulgadang screen.

Nakatayo si Catatonio Magpantay, ang kaniyang kuya na may plastered na ngiti, sa harap ng screen, nakapikit, dinadama ang neo-jazz na maririnig hindi lang mula sa kanilang screen kundi sa lahat ng TV screen sa mga kabahayan at lahat ng public billboard sa Zone 5.

Tuwing 18:00 hanggang 18:15 ay binobroadcast ng Central Government ang musika sa lahat ng TV screen at billboard sa Zone 5. Iba-iba ang genre; minsa'y corporatesoft, smooth jazz, electronic ambience. Ngayong araw ay neo-jazz. Kabilang ito sa Hossian Clemency Project na itinaguyod noon ng dating presidenteng Melor Hartford, matapos ang Hossian Rebellion. Kasama sa Hossian Clemency Project ang pagpapatayo ng mga housing sa mahihirap na komunidad sa Zone 5, at pagbibigay ng trabahong waste management at household services­, o pagbabasura at pagkakatulong.

OtherfolkOn viuen les histories. Descobreix ara