1: Fall

134 16 17
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

ION

Tanaw ni Ion mula sa kaniyang kinauupuang plastic na silya ang matatayog na gusali sa labas ng fiberglass. Nagsisimula nang magising ang siyudad, ang neon, ang mga taong gising sa gabi, ang higanteng buwan sa kalangitang mabilis na dumidilim. Malayong-malayo ang modernong mga gusali dito sa mga gusali sa kaniyang pinanggalingan. Sa Zone 5, pawang pinagbuhol-buhol na mga lumang gusali, kawad ng kuryente, at mga tindahan. Kalumaan, paghihirap, at disorder ang nasa Zone 5, di tulad dito sa Zone 1 na ang mga gusali'y tila mga perpektong higanteng metal at salamin, pinalamutian ng kwintas ng neon at halogen.

Malamig ang hanging ibinubuga ng air machine sa likod ng classroom, at hiniling ni Ion na sana'y isinuot niya ang jean jacket niyang may burda ng tigre sa likod. Paborito niya ang jacket na iyon, bagamat luma at di sukat sa kaniya; napulot lang kasi ito sa malaking tapunan ng basura sa Zone 5. Napitlag siya sa sinumang humila sa kaniya pabalik sa realidad.

"Catalion Magpantay, nakatulala ka na naman sa bintana. Ilang beses na kitang nakikitang nakatulala sa kalagitnaan ng klase natin." Nakahalukipkip ang mapuputla at mahahabang braso ng isang lalaking nasa edad 40 pataas, nakasuot ng short-sleeve polong kulay asul-abo. Ang History professor, si Vendriad Mosswan, isang matangkad na Vaxelian na may gintong buhok na lagpas-tenga. Ang mga mata nitong kulay asul ay nakatingin sa kaniya, tila tumutusok sa kaniyang mukha.

Naramdaman ni Ion ang mga matang nakatitig sa kaniya, mga mata ng kaniyang mga kaklaseng may iba't-ibang lahi—Vaxelian, Florian, Sekian. Ramdam niya ang panghuhusga sa mga titig ng mga ito, at kahit hindi niya tingna'y alam niyang nakangisi si Uliel Fenclyne, ang taong ginagawa ang lahat para gawing miserable ang buhay niyang matagal nang miserable.

Tumayo siya. "Pasensya na po, sir... tinitingnan ko lang po ang mga..." Naghanap siya ng salita. "Mga gusali sa labas." Di niya alam kung bakit pero tila iyon ang pinaka-nakakatawang bagay sa kaniyang mga kaklase. Naghalakhakan ang mga ito.

May mali ba sa sinabi ko?, naisip niya. Marahil nakakatawa ang itsura niya. Palagi naman silang natatawa sa itsura ko; isa akong maruming basahan sa loob ng Campus. Sila, mga mamahaling basahan.

Bumuntong-hininga si Professor Vendriad, pailing-iling, sa labi nito'y isang mapang-asar na ngisi. Kabisado na ni Ion ang ngising iyon, sa napakaraming pagkakataong ipinahiya siya nito sa klase. Palagi siya nitong pinapahiya. Di niya alam ang sagot, pero tingin niya'y dahil ito sa kaniyang pagiging Hossian, ang pinakamababang lahi sa buong Union. Buong buhay niya'y isa siyang biktima ng diskriminasyon.

OtherfolkWhere stories live. Discover now