"God, Agnes! Pinakaba mo kami! We all died again inside that illusion," mangiyak-ngiyak na lumapit sakin si Hazel at niyakap ako.

Muli akong natigilan. I thought they would forget about me again? About the illusion? Pero heto, kaniya kaniya sila ng kwento tungkol sa nangyari kanina sa illusion.

"Akala ko totoo na 'yon. Pero shet lang di ko naramdaman ang sakit," kwento pa ni Francis na nakasando at shorts lang at tsinelas.

Para silang nagmamadaling lumabas mula sa kani-kanilang bahay dahil hindi pa sila nakaligo, may mga muta at laway pa sila sa kanilang mukha.

Napatingin ako kay Caleb na malalim ang iniisip. Itinabi ko muna ang bisekleta sa gilid at hinila si Caleb palayo sa mga kaibigan namin.

"Agnes, sina Miko. They're still trap inside the illusion!" 

Tumango tango ako, "That's why we need to go to my home. Pero ang problema'y hindi ko na maalala pa ang address namin."

"What?"

"The Flores resident. Caleb, hindi ko na maalala ang bahay namin noon."

Mukhang nakuha naman niya ang sinasabi ko at agad na lumapit sa mga kaibigan namin. Sinabi niya ang tungkol sa Flores resident. Kaniya-kaniya sila sa pagkuha ng gadget at may kung ano-ano silang ginagawa.

Naguguluhan pa ako noong una. Akala ko kung ano ang ginagawa nila pero nang maramdaman kong nag-vibrate ang cellphone na nasa bulsa ko pala, may natanggap ako na notification sa social media.

@superjennyH: Guys, do you know the address of Flores resident?

@selenav: We need help. Tell me where do Flores resident located. ASAP.

May iba pa na nagmessage at nagtanong-tanong mula sa mga kilala nila. Umupo na lamang ako sa upuan sa waiting shed habang hinihintay sila na makakuha ng sagot. Muling nagvibrate ang telepono na hawak ko kaya tiningnan ko ang screen.

It was a message from an unknown number. Ewan ko ba pero parang gustong gusto kong basahin ang message niya kaya agad kong binasa 'yon.

Napasinghap ako nang makitang isang address iyon. Isang pamilyar na address. Napatingin ako sa mga kaibigan ko na busy pa rin sa kani-kanilang ginagawa.

They've suffered a lot. Ayokong madamay ulit sila dito. Kaya mabuti pang mag-isa akong pumunta doon.

Dahan-dahan akong tumayo at pigil hininga na naglakad palayo. Hanggang sa napapatakbo na lamang ako't pumara ng taxi. 

Tiningnan ko ulit ang telepono ko nang mag-vibrate ulit ito.

Si Tito Chase mo ito.

* * *

Home. A place your feet may leave but your heart will always be. A home where a family stays, making some memories. Unforgettable memories. 

A home that where your story begins.

Dito nagsimula ang lahat. At dito matatapos ang lahat.

Habang nakatingala ako sa bahay namin noon, naramdaman ko ang mainit na luhang tumakas mula sa mga mata ko. I've cried a lot, really. Pero bakit ba? Hindi ko magawang pigilan ang luha ko kung gustong-gusto itong lumabas.

Sumisinghot akong humakbang palapit sa gate na gawa sa metal. Kinakalawang na ito at nasira na ang kaniyang gilid nito kaya nakatagilid ang gate. Kung noon ay kada-uwi ko galing sa eskwelahan ay napakasigla pa ng bahay na 'to, ngayon ay hindi na.

It is a home without the family. Nakakalungkot isipin pero 'yon ang totoo. Na wala na ang may-ari at ang tumira dito noon.

Abot langit ang kaba ko habang papalapit ako sa bahay namin. May dalawa itong palapag. Malaki ito pero kung titingnan mo ito ngayon, mistula na itong isang haunted house ang itsura. Idagdag mo pa ang nakakatakot na itsura ng hardin na noon ay may napakaraming bulaklak.

Mystique PuppeteerNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ