Special Chapter | 3K READS!

215 9 0
                                    

[Posted: 12/17/17]

Special Chapter

Sa pangalawang pagkakataon, hinahandog ko sa inyo ang isa sa mga malikhaing obrang gawa--

"Cut!"

"Direk, bakit po?"

"I told you to play the second one! Napakalalim niyan, baka hindi maintindihan ng mga bagets!"

"Ay, sorry Direk!"

"Okay, okay. Take two!"

For the second time, we present! Ang ikalawang Special Chapter ng TLITP para sa petmalu niyong pagsuporta, mga lodi! Itinanim niyo ang buto ng pag-ibig sa librong ito kaya bunga non ang pagkaron ng  3k Reads ng TLITP. Thankshies! At dahil umabot na nga ng 3k ang reads nito at syempre palapit na rin ang Pasko, get ready for a wonderful adventure once more in the kingdom of Atticus in the reign of Amara!

Happy reading! Merry Christmas and Happy New Year, guys!

P.S. Hindi ito continuation ng epilogue, okay? It may contain information stated in the epilogue but this do not affect the flow of the story. Enjoy!  



~Amara's POV~


I opened the door to the balcony of the Master's Bedroom. This is my favorite place, since napakagandang pagmasdan ng Magic Society mula dito.


The people were as small as ants. And it made them really look like one dahil sa pagtutulungan nilang mailagay ang mga banderitas at parol sa paligid. Mahina akong natawa sa naisip ko saka inayos ang postura ng aking katawan.


"Amara.."


Nagulat ako nang isang braso ang umakbay sa balikat ko. Pagkatingala ko ay nakita ko si Winter.


"Winter.."


"Anong ginagawa mo dito? Bakit hindi ka pa naghahanda para mamaya? Saka alam mo namang nag-iisnow pero wala kang suot na jacket. Baka sipunin ka pa."


Napangiti ako saka ibinalik ang paningin sa mga tao sa baba. "Naalala ko lang na... This is the first Christmas we'll celebrate it together, as a family." saka ako tumingin sa kanya.


Bumuntong-hininga siya saka ngumiti. Sumandal siya patalikod sa railings.


"Yes, it is. Kaya nga," pinisil niya ang ilong ko. "Maghanda ka na habang tulog pa si Razielle. Mamaya, iiyak na naman nang iiyak yon. Hindi ka makakapag-ayos."


Sabay kaming natawa. It's true. Baby Razi always wanted to be with me.


"Sige na, mag-aayos na ako. But how about you?"


"Nah, I'm good. Mabilis lang akong mag-ayos. Ikaw ang dapat na talagang mag-ayos."


Tumango ako. Nagpaalam lang ako saka siya iniwan doon sa balcony.


The Lady in the ProphecyWhere stories live. Discover now