Chapter 22

263 12 0
                                    

Chapter 22: Something Fishy


~Third Person's POV~


*Blag!*


Napatingin ang mag-asawa sa pinto nang bumukas ito bigla.


Naghintay sila ng ilang segundo ngunit wala pa ring pumapasok.


Napatingin sila sa isa't-isa.


"May darating ba dapat tayong bisita ngayon?" tanong ng babae sa kanyang asawa.


Kumunot ang noo ng lalaki. "Baka naman sina Uncle at Auntie."


Nanlaki ang mga mata ng babae. "S-Sina Uncle at Auntie?"


Nagkibit-balikat ang asawa nito. "Siguro. Baka gustong dalawin si Am--"


Nagkatinginan ulit silang dalawa, parehong nagulat.


'Anong sasabihin natin kapag nalaman nilang nawala ang ating anak?'


Iyan ang parehong tumatakbo sa isipan ng mag-asawa.


"Magandang gabi sa inyong dalawa."


Nakuha ng isang nakakatakot na boses ang atensiyon ng mag-asawa.


Mula sa pinto, pumasok sa kanilang bahay ang isang lalaking nakasuot ng itim na kapa. Nagtataka at natatakot man, nagawang tanungin ng lalaki ang pumasok.


"S-Sino ka?"


Tuluyang pumasok ang naka-kapa at nakatungong naglakad patungo sa kanila.


Nang malapit na siya sa kanila, tumingala ito at nagulat ang mag-asawa sa nakita.


"A-Anong kailangan mo?" tanong ng babae.


Ngumisi ito sa mag-asawa. "Ang babae? Nasaan na siya?"


"W-Wala siya dito!"


"Huwag na kayong magsinungaling pa, Mrs. Keisley."


<><><><><><><><><><>


~Amara's POV~


"Today, I'll teach you how to defend yourselves using your short-range weap--"


*Beep* *Beep*


Nagtaka kaming lahat nang may biglang tumunog. Lumingon ako sa paligid ngunit wala akong makitang posibleng tumunog ng ganon.

The Lady in the ProphecyWhere stories live. Discover now