Chapter 19

277 12 0
                                    

Chapter 19: Training Uniform


~Amara's POV~


"Form a line!"


Pumila agad kami sa gitna. Pero laking gulat ko nang lahat sila pumwesto sa likod ko. 


Meaning, ako yung una.


"Show me your weapons, Ms. Keisley."


Nagulat man ako sa pagtawag niya sa surname ko, nagawa ko pa ring kunin ang mga napili kong weapons ng komportable.


Kinuha ko yung pana ko sa likod ko pati na rin ang mga daggers sa metal pouch.


Pinakita ko iyon kay Coach at mukhang nasiyahan siya dito.



"Maganda ang napili mo, Keisley. Ngunit, bakit sa kinadami-dami ng pwedeng sandata, ito ang iyong pinili?" tanong ni Coach habang tinitignan ang pana.


"Uh, sanay po kasi akong gumamit ng pana. Pinili ko naman po yung daggers dahil medyo bihasa na din po ako sa paggamit nito."


Tinignan ako ni Coach. "Nakakamangha. Bago ka pa lang dito sa Atticus ngunit, parang alam na alam mo na ang paggamit ng mga sandata."


Ngumiti ako saka tumungo. "Salamat po!"


Nginitian din ako ni Coach Chi saka binalik ang pana at daggers ko. May kinuha siya sa bulsa niya.


Kumunot ang noo ko.


Aalis na ba ako sa pila?


Nang paalis na sana ako, humarap sa akin si Coach na may hawak na badge.


Badge? Para saan?


Masayang inilahad ni Coach ang badge sa akin.


Naguguluhang tinanggap ko ito at tinignan ang kabuoan niya.


Kulay pula ito at may puti na bilog sa gitna. Dahil sobrang curious ako, hinawakan ko yung dilaw na bilog.


Oops!


Hindi ko napansin na button pala yun!


Nang tuluyan ko na itong mapindot, nakita ko na lamang ang sarili kong may suot na--


"OMG!"


Nagulat ako nang biglang sumigaw sina Summer at Spring. Nang lumingon ako sa kanila, nakita kong gulat na gulat sila.


Hindi ko sila masisisi, mismong ako ay nagulat din.


The Lady in the ProphecyWhere stories live. Discover now