Chapter 4

624 26 1
                                    

Chapter 4: Field Fighting


~Summer's POV~


"Yah!"


Napaatras si Amara nang sumugod sa kanya si Spring habang may hawak na nunchaku.


Nagte-training ngayon si Amara dito sa Field. Wala na kaming klase dahil hindi pa rin ayos ang schedule ng Desu Clan.


Naisipan namin ni Spring na turuan si Amara sa Field Fighting. Ang Field Fighting ay isang paraan para ma-develop ang Magical Mystic.


Kung naitatanong niyo kung nasaan ang boys, pumunta sila sa I-Don't-Know-Where place. Wala silang sinabi sa amin basta pagkatapos naming kumain, lumayas na agad sila dahil may importante daw silang pag-uusapan at gagawin.


Hindi pa rin namin alam kung ano ang Mystic ni Amara. May kutob ako na Rapid Reflex ang Magical Mystic niya dahil doon sa Mystic Mastering kay Sir Rain.


Nang sabihin ko iyon kay Spring ay napagdesisyunan namin na ang Magical Mystic muna ni Amara ang palabasin namin bago ang Mystic niya dahil wala pa rin kaming hinala.


Matagal man at mahirap palabasin ang Magical Mystic ni Amara, naniniwala akong maipapalabas niya agad ito dahil may karanasan na siya bago pa man siya makapunta dito sa Atticus.


Pinanood ko na lang ulit ang labanan nila sa harapan ko.


Pinapaikot ni Spring ang nunchaku niya sa harap ni Amara kaya napapaatras ito.


"Whoo! Go Amara! Kaya mo 'yan!" cheer ko kay Amara.


Tumingin sa akin si Amara kaya nawala ang focus niya kay Spring. Nang tatamaan na sana ni Spring ang paa ni Amara, bigla namang humarap ito kay Spring at tinamaan ng dagger niya ang nunchaku ni Spring.


"GO AMARA!" cheer ko ulit sa kanya.


That was amazing!


Ngumiti si Spring sa kanya pero agad din iyong nawala nang matamaan ng dagger ni Amara ang braso nito.


This will be so exciting!


Napangiwi si Spring dahil sa sakit pero agad din niyang pinaikot ang nunchaku niya.


Uh, wait. Baka sabihin niyo seryoso 'to, ah? Ito'y pawang training lamang ni Amara. Kaya wag kayong mag-alala.


I smiled when I saw Amara's face being fierce this time. That's my AMARA!


Lumapit si Spring kay Amara, ignoring her wound on her right arm. Pinaikot ni Spring ang nunchaku niya. Tatama sana ito sa paa ni Amara ngunit nasangga ito ng dagger niya.


Wow! Ang astig ni Amara!


Lumayo si Spring ng ilang hakbang palayo kay Amara. Gumulong si Amara palapit kay Spring at tinamaan ang paa niya gamit ang dagger.


Napangiwi na naman si Spring.


Dahil mabait akong kaibigan, pinatigil ko na sila. "Oh, Tigil na. Tigil na."


I approached them and pat Amara's shoulder. "Nice one out there." puri ko sabay kindat.


Lumapit na ako kay Spring at inalalayan siyang tumayo. Naramdaman kong lumapit si Amara sa amin.


Hinawakan niya ang kamay ni Spring. Tinignan niya ito saka nag-aalalang tumingin kay Spring.


"Sorry, Spring! Ikaw kasi, eh. Inaatake mo ako." paghingi ng tawad ni Amara.


Tumawa si Spring. "Ano ka ba? Okay lang, noh!" 


Ngumiti na din si Amara. "Ako nang bahala dito."


Tumawa ako. "Ako na lang. Dadalhin ko na lang siya sa Clinic." sabi ko sabay alalay kay Spring sa paglalakad.


Naramdaman kong may humawak sa braso ko. Pagkalingon ko, si Amara pala. "Hindi, ako na."


Kumunot ang noo ko. "Ako na la--"


"Please? Ako naman ang may kasalanan, eh." she insisted while pouting.


Oh! Ang cute niya!  (*u*)


"Sige na nga!" sabi ko.


Tumalon siya. "Thank you!"


Inalalayan niya si Spring makaupo sa bleachers. Nagtaka naman ako kung bakit hindi niya dinala sa clinic si Spring.


Hinawakan niya ang braso nitong may sugat at pinikit niya ang kanyang mga mata. May sinasabi siyang mga salita.


Tinakpan niya iyon at pagkadilat niya ng mga mata niya, tinanggal niya ang kamay niya doon.


Laking gulat ko nang makitang nawala na ang mga sugat ni Spring. Nanlaki pareho ang mga mata namin ni Spring at sabay na nagsalita, "How did you do that?"


Tumawa si Amara. "My parents kinda believed in witchcraft blah blah, and they taught me how to treat a wound in just a second"


"Wow! Your parents rock!" puri ko.


Tumawa kaming lahat pero naalala ko ang paa ni Spring.


"Spring, patingin ako ng paa mo." sabi ko kay Spring na agad naman niyang sinunod.


Tinignan ko ang parte na tinamaan ng dagger ni Amara kanina at nagulat ako nang makitang wala na din ang sugat.


"How did you?"


Lumingon ako kay Amara pero laking gulat ko nang makita ko siyang naglalakad na palayo.


"Bilisan niyo na diyan. May gagawin pa tayo, diba?"


"Hey! Hintay!" sabi ko sabay hatak na kay Spring palapit kay Amara.


<><><><><><><><><><>


SV: Thank you for reading! Don't forget to vote and comment!

The Lady in the ProphecyWhere stories live. Discover now