Epilogue

409 14 1
                                    

Epilogue



~Amara's POV~


After three years


"Winter, saan ba tayo pupunta?" tanong ko kay Winter. Hawak-hawak niya kasi ng mahigpit ang kamay ko. Kasalukuyan kaming tumatakbo papunta sa kung saan. Malay ko ba eh, tinakas niya lang naman ako sa training ko. 


Next week na kasi ang 21st Birthday ko (tanda ko na, noh?) at kailangan ko na ding maghanda para sa coronation. You know, ako na ang magiging sunod na reyna ng Magic Society. Daming kailangang gawin!


"Just wait and continue running." Wala na akong nagawa nang inutusan niya na naman ako. Under ako sa kanya, eh.  >.<


Nga pala! Nalimutan kong sabihin sa inyo. Kami na ni Winter! Third anniversary namin ngayon. And I have no clue where we'll be celebrating. Hihi.


Tumakbo lang kami nang tumakbo hanggang sa tumigil kami sa tapat ng library. "Anong ginagawa natin dito?" nagtatakang tanong ko sa kanya.


"Basta."


Ayan na naman siya!


Pumasok kami sa loob. Tahimik at walang katao-tao. Nagtaka ako nang makitang wala doon ang librarian. Nasaan naman kaya yun? Naglibot?


Pumunta kami sa isang mesa. Napangiti ako nang may maalala.


"Naalala mo pa ba ang mesang 'to, Amara?"


Hindi ko na napigilan ang pagtawa. "Oo naman. Dito tayo unang nagkausap noon. Tulog-mantika kasi si Summer, eh. Ang cold mo pa."


Natawa na din siya. "Ikaw naman, halatang kinakabahan. Natatakot ka ba sa akin noon?"


Napayuko ako. "M-Medyo. Ang tahimik mo kasi at ang cold ng mga tingin mo."


"At least ngayon, hindi na." proud niyang sabi. Edi siya na!


Umupo ako sa taas ng table. Siya naman, sumandal lang. Napatingin ako sa kanya nang bumuntong-hininga siya.


"Bakit, Winter?" tanong ko sa kanya.


I heard his chuckle. "Ang bilis ng panahon, noh? Ang dami nang nangyari."


Napangiti ako. "Oo nga, eh. Like Autumn and Spring. Autumn getting married with Fall."


"Spring getting married with Lava." Natawa ako sa sinabi niya. Sinong mag-aakala na ang long-time crush ni Spring ay ang magiging asawa niya. Todo nga ang pagyayabang niya sa amin noong naging sila at nag-propose sa kanya si Lava, eh.


"Summer being the next headmistress of Astria High, in replacement of Mom." dugtong ko.


The Lady in the ProphecyWhere stories live. Discover now