Chapter 18

300 16 0
                                    

Chapter 18: Lies


~Amara's POV~


"Uy, Amara. Ang daming paru-paro doon, oh!" masayang sabi ni Spring habang hinihigit ang kamay ko at tinuturo yung garden sa paligid.


Tumingin din ako dito at napangiti ako.


Ang dami nga.


"Ang gan--"


"Alam mo Spring. Hindi mo na kailangang sabihin kay Amara na maraming paru-paro. Hello? Halata namang marami. Don't state the obvious."


Uh-oh.


Nang akmang magsasalita na si Spring bilang sagot, nilagay ko na ang dalawang palad ko sa harap nila.


"Okay na, okay na. Kung gusto niyong magtalo, huwag dito, okay?"


Tiklop silang dalawa.


Syempre. Ako peacemaker! |^u^||


Sumunod lang kami sa kung saan dumadaan si Coach. Habang naglalakad, nililibot din namin ang aming mga tingin sa paligid.


Honestly, parang arena yung pinasukan namin. Paglabas kasi namin galing doon sa puno, puro damo lang. Akala nga namin, magte-training kami doon. Yun pala, may arena dito at parang may mansyon sa tabi.


Doon kami pumasok.


Sa sobrang pre-occupied ko, hindi ko napansing nanguna na pala sa paglalakad si Summer at nabunggo ko yung likod niya nung tumigil siya.


"Here we are, Desu Clan! The Weapon Training Room!"


Sinenyasan na kami ni Coach na pumasok sa loob at namangha kami sa nadatnan.


"Wah!" Patakbong pumasok sa loob si Summer with arms wide open pa talaga!


Bigla niyang niyakap yung isang dummy. Nagtaka ako kung bakit. Nung tinanggal na niya yung pagkakayakap niya sa dummy, dun ko lang nakita yung kabuoan nung manikin.


Kamukha ni Lava, 'yung crush niya dun sa Kozoku Clan.


Naramdaman kong lumapit na din yung dalawang lalaki sa tapat ng pinto para tignan yung nangyayari.


Napangiwi ako nang makitang hinawakan ni Spring yung mukha nung dummy ni Lava tapos bigla siyang nagtatatalon.


Lakas na talaga ng tama nito.


Bigla siyang napatingin sa amin. Namula siya at agad na tumungo.


Lumapit sa kanya si Coach. "Uh, Ms. Herrera? May problema ba sa dummy?"


The Lady in the ProphecyWhere stories live. Discover now