Chapter 24

257 20 1
                                    

Chapter 24: Town Visit


~Winter's POV~


"What took them so long?"


Kasama ko ngayon si Coach sa labas ng school.


Yes, sa labas ng school.


Lumingon ako sa paligid, umaasang makikita ko sila. Ngunit, walang nahagip ang mata ko maski isa sa kanila.


*Choo* *Choo*


Napalingon naman ako sa kaliwa ko nang marinig ang tunog ng isang tren.


Napangiti bigla si Coach sa nakita.


Ang Astride.


Tinignan ko ang kabuoan ng tren. Mukhang bagong gawa lamang ng Transportation Town ang tren na ito. Hindi rin ito gaano kahaba dahil anim lang naman kaming sasakay.


Parang isang bullet train ang anyo nito dahil patulis ang harap. May nakalagay sa gilid nito na Desu Clan. Stylish ang pagkakaukit nito dito.


"Wah!"


Napalingon ako sa likod nang marinig ang isang pamilyar na boses.


Nakita ko si Spring kasama sina Autumn at Amara na tumatakbo.


Sandali, bakit tatlo lang sila? At bakit sila tumatakbo?


"Bumalik kayong tatlo dito!"


Tumingin ako sa likod nila at nakita si Summer na maraming dalang gamit.


Natawa na lang ako nang ma-realize kung bakit sila tumatakbo.


Kung ako sila, malamang, ganon din ang ginawa ko.


"Winter!"


Napatingin ako kay Autumn nang isigaw niya ang pangalan ko.


Lumingon muna siya sa likod niya bago nagmamadaling tumakbo papunta sa akin.


"Winter! 'Yan na naman yung sakit ni Summer kapag lumalabas tayo ng school!" parang nagsusumbong na sabi ni Autumn nang makalapit na siya sa akin at nagtago sa likod ko.


Hingal na hingal na tumigil sa pagtakbo sina Spring at Amara. Nag-apir silang dalawa habang tumatawa nang makita ang kalagayan ni Summer.


"Hoy!.... Bakit niyo ako.... iniwan?" hingal na hingal na sabi ni Summer nang makalapit siya sa dalawa.


"Ikaw kasi, eh! Dami-daming dinadala na gamit. Tapos kami pagbibitbitin mo?" nandidiring tumingin si Spring mula paa hanggang ulo ni Summer. "No way!"

The Lady in the ProphecyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon