Chapter 6

460 23 0
                                    

Chapter 6: History


~Amara's POV~


I laughed for the nth time.


"Spring--"


"Hmph!"


"Spring, sorry na."


"A-YO-KO."


"Sige na!"


Napailing na naman ako habang hindi pinipilit na matawa.


Naglalakad na kami ngayon papunta sa afternoon classes namin. Ang sabi ni Summer, arranged na daw ang classes ng Desu Clan kaya ngayong afternoon magsisimula ang regular classes namin.


Itong kambal na 'to, kanina pa hindi magkasundo. Nag-sorry na't lahat si Autumn pero hindi pa rin iyon tinatanggap ni Spring.


Anong issue? Yung pag-ubos ni Autumn ng pagkain ni Spring.


Ang simple simple ng dahilan, pinalaki pa.


Hinawakan ni Autumn ang braso ni Spring na ngayon ay nakatalikod at naka-cross arms.


"Kambal naman, eh." parang bata na sabi ni Autumn.


Kunot-noong humarap si Spring kay Autumn.


"Please?" sabi ni Autumn sabay pa-cute.


Nag-twinkle ang mga mata ni Spring at lumawak ang ngiti niya.


"Sige na nga!"


"Yey!" masayang sabi ni Autumn.


Gumitna sa kanila si Summer. "Okay na. Okay na. We better get going now. We only have 6 minutes left 'til the clock strikes 1." sabi ni Summer sa kanila.


Sabay na tumango si Spring at Autumn. "Right!" sabay na sabi nila.


Nagsimula ulit kaming maglakad papunta sa room namin ngayon.


Ang subject namin sa ngayon ay History. 


Oo, boring ang History. But for me, as a beginner, I would like to know the History of Astria High and Atticus.


Nang makarating na kami sa harap ng room, agad itong binuksan ni Summer. 


Isang walang kalaman-laman na room ang tumambad sa amin. As in wala talaga siyang mga gamit.


Walang upuan. Walang mesa. Walang blackboard.


Lumingon ako sa paligid at nakita ang isang babae na nasa middle 20's na papasok sa room.

The Lady in the ProphecyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon