Chapter 17

277 16 0
                                    

Chapter 17: Secret Portal


~Spring's POV~


Agad kaming sumunod kay Coach Chi. Nagtataka man, ay pinili na lang naming maghintay sa kung saan kami dadalhin ni Coach.


Lumabas kami sa room pero nagtaka ako sa kung saan kami pupunta.


Ibig sabihin--


"Lalabas tayo ng school!" masayang sigaw ni Autumn saka ginawa yung suntok-gesture niya.


'Yan. 'Yan ang mannerism niya every time na excited siya.


Humarap sa amin si Coach kaya patalikod na siyang naglalakad ngayon.


"You're right! Lalabas tayo ng school."


"Ye--!"


"But!" pinutol ni Coach ang sasabihin dapat ni Summer habang nakataas ang index finger niya.


"But, we're not going to the city, okay?"


"Uhhh." Nanlumo 'tong kambal ko. Paano ba naman kasi, last month pa kami huling nakalabas ng school.


"Saan po tayo pupunta?" magalang na tanong ni Amara habang binubuksan ni Coach ng patalikod ang gate.


"Hmm. Sa city forest. 'Dun tayo pupunta."


What? Sa pagkakatanda ko, kailangan pang dumaan sa city para mapuntahan yun.


"At para mapabilis ang pagpunta natin dun, dadaan tayo sa secret portal."


Secret portal? Hmm. Weird.


Nang makalabas na kami ng tuluyan ng school, sa unang pagkakataon nitong buong buwan, nakalanghap ako ng sariwang hangin.


"Aah." Ang lamig ng hangin ngayon, ah.


Dire-diretso lang kami sa paglalakad. Pero laking gulat ko nang makita kung saan kami tumigil.


Puno.


"Hahaha."


Siniko ko si Autumn sa tabi ko. Bigla ba namang tumawa.


Tinignan siya ni Coach kaya bigla siyang natakot. Nakita ko ang paghakbang ng isa niyang paa patalikod kaya palihim akong natawa.


Coward.


"Dumaan na kayo."


Tinuro ni Coach ang puno kaya nagtaka kami.


The Lady in the ProphecyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon