Chapter 36

201 9 0
                                    

Chapter 36: To Kill or Not?


~Third Person's POV~


"Uh, Amara."


Tinutok ni Amara ang kanyang kamay kay Summer, gaining her strength to blast off her power to Summer.


"Stop it, Summer. Hindi mo na ako malolo--"


"Amara, huwag mo 'tong gawin." biglang singit ni Winter.


Tumingin si Amara kay Winter. "Hindi mo pa kayang kontrolin ng maayos ang kapangyarihan mo. Baka ano pa ang mangyari sayo."


Binalewala ni Amara ang mga sinabi ni Winter. "I'd rather choose to die than to let a traitor go."


"Amara!"


Nagulat si Winter nang magpakawala ng apoy si Amara. Gagamitin niya sana ang kanyang mystic na yelo upang i-evaporate ang apoy ni Amara ngunit nagawa siyang pigilan nito.


Takot na takot si Summer at napapikit na lamang siya nang malapit nang tumama sa kanya ang apoy na inilabas ni Amara.


Sa kanyang pagpikit ay naalala niya ang lahat ng ginawang mabuti sa kanya ni Amara. Naluha siya at pinagsisihan ang lahat ng kataksilan na ginawa sa kaibigan. Ayaw lang naman niyang mapahamak at gusto niya pang mabuhay ng matagal. Hindi niya sinasadyang maging si Threva.


~FLASHBACK~


3 MONTHS AGO


"Saan niyo ako dadalhin?!" Nagpupumiglas na sabi ko.


"Tumahimik ka, bata. Baka mapatay ka namin agad."


Wala akong makita dahil nilagyan nila ako ng piring sa mata at sila lang umaalalay sa akin sa paglakad. Hindi ko alam kung saan kami papunta. Gusto ko sana gamitin ang magical mystic ko para mag-teleport ngunit ang piring na nilagay nila sa akin ay may halong kemikal na maaaring mag-restrain ng kapangyarihan.


"Ack!"


Naramdaman ko ang matigas na bagay sa likod ko, para bang bato, nang itulak nila ako. Napangiwi ako sa sobrang sakit nito.


Hinawakan nila ang kamay ko saka nilagay sa likod ng bato. Pinagbuhol nila ito saka lamang tinaggal ang piring ko.


Sinamaan ko agad ng tingin ang dalawang lalaki na naghagis sa akin. Ngayong wala na ang piring ay naisip kong gamitin ang aking kapangyarihan ngunit mukhang ang lubid naman na kanilang ginamit ang pumipigil sa paggamit ko sa aking kapangyarihan.


"Good job, you two."


Inangat ko ang aking tingin at nakita ang isang lalaki na palapit sa akin. I looked at the men who brought me here, and they were exchanging laughs and joy.

The Lady in the ProphecyDove le storie prendono vita. Scoprilo ora