Chapter 1

1.4K 37 1
                                    

Chapter 1: Desu Clan


~Amara Keisley's POV~


Maaga kaming pumasok ni Summer sa Astria High. First day ngayon kaya ayoko ma-late at para na rin makapaglibot ako.


Habang papasok kami, pinagtitinginan kami ng mga tao. Yumuko na lang ako kasi ayoko ng nasa akin ang atensiyon ng mga tao. I'd rather be ignored than to be noticed.


Naramdaman kong may humawak sa balikat ko kaya tumingala ako. Ngumiti sa akin si Summer. Siguro, binasa na naman niya ang isip ko.


Si Summer ay ang roommate/bestfriend/tour guide ko dito sa Atticus. Mahirap man tanggapin ngunit Attican talaga ako. At kailangan kong malaman ang mystic ko sa lalong madaling panahon.


Maraming kakayahan si Summer. Kaya niyang basahin ang isip ko at kaya rin niyang i-detect kung nasaan ako.


Nang dahil sa kanya, hindi ko malibot mag-isa ang buong Atticus.


Huminto kami ni Summer sa isang pinto. Tumingin ako sa kanya at parang tuwang-tuwa siya.


Dahan-dahan niyang binuksan ang pintuan, at pagbukas niya, tumalon-talon siya at dali-daling pumasok sa loob.


Pumasok na din ako at nagulat nang makitang kaunti lang ang tao sa loob.


"Summer!"


"Spring!"


Nakuha ang atensiyon ko ng isang matinis na boses. Lumingon ako sa kung saan galing iyon at nakitang papunta siya kay Summer.


Niyakap niya si Summer nang makalapit na ito ng tuluyan sa kanya. Yumakap na din pabalik si Summer at kitang-kita na sobrang close nila.


May lumapit ding dalawang lalaki sa kanila. Yung isa, tawa ng tawa habang yung isa, poker face lang.


Nang maghiwalay na ang dalawa, ay agad na lumingon sa akin si Summer. Lumapit siya at agad akong hinatak palapit dun sa mga kaibigan niya yata.


Ngumiti sa akin yung babae na yumakap kay Summer nang makarating ako sa harapan nila.


"Meet Amara Keisley. Siya ang bagong member ng Desu Clan." masayang bati ni Summer.


Because I don't want to spoil Summer's happiness, I quickly smiled at them and waved my hand.


Nilahad nung babae yung kamay niya. "I'm Spring Herrera. Nice to meet you!" pakilala niya. Mayroon siyang highlight na green sa buhok and green na mata.


Cool.


Lalo akong ngumiti. I accepted her hand and shake it gently. "Amara." maikling pakilala ko.

The Lady in the ProphecyWo Geschichten leben. Entdecke jetzt