Chapter 34

218 12 1
                                    

Chapter 34: Traitor


Tumingin si Amara kay Winter.


"Anong sabi mo?"


Tumingin na din sa kanya si Winter. "Yan, yan ang libro ng prophecy."


Namamanghang tumingin si Amara muli sa libro. Kumikinang ito na tila isang bituin. Ito ang nagbibigay-ilaw sa madilim na kuwarto.


Biglang lumutang pataas ang libro. Lalo itong kuminang kaya napatakip na ng mga mata sina Amara at Winter.


One by one, the torches around the room lit up, slowly revealing the room. Without any clue, the fireflies disappeared.


Binuksan na nina Amara at Winter ang kanilang mga mata saka gulat na tumingin sa paligid.


A chair.


A dead body.


A feather in his arms.


"S-Si Aderick Lopez."


Nanlaki pareho ang mga mata nila. Unti-unting naglakad si Winter dito ngunit napako na si Amara sa kanyang kinatatayuan.


Si Aderick Lopez, ang sumulat ng propesiya, ang nasa harap nila ngayon. Kalansay na lamang ito ngunit nandoon pa rin ang kanyang damit. Nasa kanan naman niyang kamay ang feather na halatang ginamit niya sa pagsusulat dahil nagkalat ang ink sa lupa.


Napukaw naman ang atensiyon ni Amara ng isang boses. Pati si Winter ay napatigil din.


Ang libro. Sa libro nanggaling ang boses na iyon.


"Whoever made this book open.

I assure you, something great will happen.

Just make sure to wear this ring forever, 

To gain your uttermost power."


Matapos sabihin ang mga katagang iyon, ay biglang may kuminang sa side ng kalansay ni Aderick Lopez.


Ang kanyang pulang singsing.


Lumutang ito hanggang sa mapunta ito sa tapat ni Amara. Tinaas ni Amara ang kanyang kamay upang mahawakan ang singsing.


Napatigil siya sandali nang may makita na nakasulat sa pinakaibaba ng pahina. Matapos basahin ay tumingin siya ulit sa singsing


Ngunit sa paglapat ng kuko ni Amara sa diyamanteng nasa gitna ng singsing ay bigla namang may pumasok sa loob ng silid.


"Don't you dare!"


Naibaba ni Amara ang kanyang kamay nang makarinig ng ingay mula sa pinto. Sabay silang tumingin ni Winter sa pinto ngunit laking gulat nila sa nakita.

The Lady in the ProphecyWhere stories live. Discover now