Chapter 31

209 12 0
                                    

Chapter 31: Knowing The Power


~Amara's POV~


Walang malay na katawan.


Iyan ang mga nadatnan ko paglabas namin ni Winter ng lab. Nilibot ko ang tingin sa paligid.


Nagkalat ang mga katawan sa sahig at puno din ng ng dugo ang paligid.


Massacre.


That was the right term to use. Para bang nagkaroon ng massacre sa palasyo. Maraming namatay at isa lang ang dahilan nito.


Ako.


Muntik na akong madapa nang hindi ko mapansin na may kamay na nakaharang sa dadaanan ko.


Ano ba naman yang kamay na yan.


"Winter, saan tayo pupunta?" tanong ko kay Winter nang mag-sink in sa akin na tumatakbo kami ngayon.


"Itatakas kita dito." sagot niya at halata doon ang pagkapagod.


Napatingin ako sa batok niya at nakita ko ang mangilan-ngilan na sugat niya dito. Pababa ng pababa ang tingin ko hanggang sa mapatingin ako sa likod niya.


Sira na ang uniform sa bandang tagiliran niya. Unti-unting tumutulo dito ang dugo na siyang nagpatigil sa akin.


Nanatili ang tingin ko sa sugat niya. Naramdaman kong humarap sa akin si Winter dahil bigla siyang nagsalita.


"Bakit ka tumigil, Amara?" magkahalong inis at alala na tanong niya.


And still, hindi ko pa rin inaalis ang tingin sa sugat niya.


"Amara,--" Mukhang napansin ni Winter na nakatingin ako sa sugat niya.


"A-Amara, umalis na tayo. Baka mahul--"


Tumingin ako sa kanya. "Pero may sugat ka, Winte--"


"Hindi na yun mahalaga, Amara!"


Nagulat ako nang bigla siyang sumigaw. Unang beses ko itong marinig sa kanya.


"Marami nang nawalang dugo sayo, Winter." mahinahon pero with authority na sabi ko sa kanya.


Huminga siya ng malalim, calming himself down. "Mas mahalagang maligtas ka, Amara."


Nanlaki ang mga mata ko. Mas mahalagang ligtas ako? Why?


"Bakit Winter? I'm just an ordinary Attican, with no mystic. In short, I'm usele--"


"No, you're not."

The Lady in the ProphecyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon