Chapter 15

327 18 1
                                    

Chapter 15: Introduction


~Amara's POV~


Lumabas ako ng bathroom habang pinupunasan ang basang buhok ko.


Tumingin ako sa kama ni Summer at nagulat nang makitang tulog pa rin siya.


Hmm. Ano ba kasing nangyari kagabi?


Ang alam ko lang, habang nagkukuwento si Summer, nakatulog kami ni Spring. Yun lang at wala na akong ibang matandaan.


"Spring."


Tinawag ko si Spring na umiinom ng tubig. Agad naman siyang tumingin sa akin.


"Ano bang nangyari kagabi?" tanong ko saka binuksan ang closet ko.


Naghintay ako ngunit nang wala akong makuhang sagot, lumingon ako sa kanya. Nakita ko siyang nakahiga sa kama ko at tulog na naman.


Tsk. Sleepyhead.


<><><><><><><><><><>


Pumunta kaming lahat sa quadrangle. Meron daw kasing i-aanounce si Lady.


I wonder what is it.


Paikot ang quadrangle nila dito. Hindi ko nga alam kung bakit pang tinawag na quadrangle tapos paikot.


Meron ding isang pabilog na stage sa gitna. Kaya pabilog din ang arrangement ng mga upuan.


Naghanap kami ng upuan. May nakita sina Winter at Autumn kaya sumunod na lang kami sa kanila.


Sa bandang harap ang nahanap nilang bakanteng upuan. Sakto namang limang upuan ang nandoon kaya nagkasya kaming lahat.


Maya-maya pa, dumating na si Lady kasama ang dalawang babae, isang lalaki at si.. Sir Rain?


"Good morning, Atticans." bati ni Lady nang makatapak na siya sa circular stage sa gitna.


"Good morning, Lady." malakas na bati naming lahat.


Lady lets out a sweet smile. "Alam kong batid niyo na ngayon ang simula ng all-day training niyo. Tama ba?"


"Yes!" sagot naman nila.


"Gusto kong ipakilala sa inyo ang magiging professors niyo sa Mystic Mastering." sabi ni Lady saka inilahad ang kamay niya sa mga kasama niya.


Nakangiti silang lahat habang umaakyat sa circular stage. Pumwesto sila sa bandang likod ni Lady.

The Lady in the ProphecyWhere stories live. Discover now