Chapter 23

266 11 0
                                    

Chapter 23: School Trip


~Coach Chi's POV~


Nagmamadali akong lumabas mula sa arena at tahimik na naglakad patungo sa office ni Lady Emerald.


Habang naglalakad, napapaisip ako kung ano ang ibig sabihin ni Lady sa sinend niya sa aking message.


Hindi kaya pinatawag kami ni Lady dahil--


"Coach Chi?"


Nabalik ako sa realidad nang marinig ko si Lady na tinawag ang pangalan ko.


Lumingon ako sa paligid at nakita siya kasama ang iba pang mga training professors na nakaupo sa kani-kanilang upuan.


At doon ko lang din napansin na nakatayo na pala ako sa tapat ng pintuan habang hawak-hawak ang doorknob nito.


Take note, nasa loob na ako. Ibig sabihin, nakapasok na ako without even knowing it.


I'm so pre-occupied.


Ngumiti ako nang mapansing nakakunot ang noo ni Lady. Binitawan ko na din ang doorknob at pumunta na sa nag-iisang bakanteng upuan sa tabi ni Geo.


Unti-unti nang nawala ang pagkakunot ng noo ni Lady. Although, alam ko na nagtataka pa rin siya kung bakit matagal akong nakatayo sa tapat ng pintuan.


Sino ba namang hindi?


"So," Nginitian kami ni Lady isa-isa bago pinagpatuloy ang pagsasalita niya. "I want all of you to know that we, together with the Highest Council, decided to have our school a trip."


Naguluhan ako bigla.


Trip?


"What do you mean, Lady?" Napatingin ako kay Emerald nang magtanong siya.


Bahagyang natawa si Lady. "I know most of the students of Astria is confused and at the same time, exhausted because of the training held yesterday. After all, it's only the first month of school and they began to train. We want the students to take a break tomorrow. And we know what exactly they need."


<><><><><><><><><><>


~Amara's POV~


"Huh?"


Sabay-sabay kaming umupo, lahat kaming Desu Clan, sa usual table namin.


Agad na naglagay ng samu't-saring pagkain ang mga babaeng naghahanda sa amin palagi. Kumuha naman agad kami mula dito at nilagay sa mga plato namin.

The Lady in the ProphecyWhere stories live. Discover now