Chapter 40

258 12 0
                                    

Chapter 40: Retrieving Atticus Back



~Third Person's POV~

Nagmamadali silang lumabas ng Astria High. Agad na gumawa ng ulap si Amara. "Tara, sumakay na kayo dito!" utos ni Amara na agad naman nilang sinunod.

It almost took them three minutes only to get there. Once they've reached the palace, they quickly get down from the cloud and the cloud starts to evaporate.

Agad silang pumasok sa gate at dumiretso sa halos sampu-sampung baitang ng hagdan papunta sa palasyo. Nang tuluyan nang maka-akyat, agad na may sumalubong sa kanilang mga kawal.

"Bawal kayong pumasok."

Nagtaka si Emerald. Agad siyang pumunta sa harapan ng mga kasama niya saka nagsalita, "Ako si Emerald, ang headmistress ng Astria High. Papasukin niyo ako."

Napatingin silang lahat sa isang kawal, inaabangan ang sagot nito ngunit ganoon na lang ang kanilang gulat sa kanyang sagot, "Ayaw magpa-istorbo ng hari."

"Pero nanganganib ang buhay niya!" hindi makatiis na sagot ni Fall.

"Oo nga! Papasukin niyo na kami!" dugtong naman ni Autumn.

"Bawal akong magpapaso--"

Napatigil ang isang kawal sa pagsasalita nang biglang bumukas ang maliit na bintana sa pintuan. Ito ang kadalasang ginagamit ng mga kawal upang pakinggan ang mga inuutos ng hari.

"Naiingayan ang bagong hari sa inyo." sabi ng kawal.

"B-Bago?" nagtatakang tanong ni Amara.

"Papasukin niyo sila!"

Nagulat sila nang may marinig na boses mula sa loob. Tila masaya ang boses na kanilang nadinig.

Dali-daling binuksan ng mga kawal ang pintuan. Marahas nilang tinulak sina Emerald na ikinadapa nilang lahat. Pagkatapos nun, agad nilang sinara ang pintuan.

Tumayo mula sa kanyang upuan ang bagong hari. "Oh! Nice meeting you all!"

Tumingala sila saka agad na tumayo. Kumunot ang noo ni Arthur. "Mahal na Hari?"

Ngumisi si Lervo, ang Cassius King.

Yes, you read it right! The Cassius King is now the Atticus King.

Bumaba mula sa kanyang trono si Lervo saka pumunta sa harap nila. "Arthur, Arthur, Arthur. Kung sinabi mo lang ng mas maaga na hindi pala kayo tunay na Cassian, edi sana hindi ko siya pinatay."

Tinuro ni Lervo ang isang walang malay na katawan sa gilid niya. Napatingin dito si Arthur at naluha ito nang makita ang kanyang kaibigan.

"H-Hubert."

"Eh kung hindi lang kasi tanga 'tong kaibigan mo. Uunahan pa ako sa pagpatay ng lecheng hari na 'to!" sabi niya saka tinuro muli ang isa pang bangkay.

Ang bangkay ni Thunder, ang hari ng Atticus.

Napatakip si Amara sa kanyang bibig saka dahan-dahang lumuha. Marami na ang namatay. Marami na ang nadamay.

Umakbay si Winter kay Amara saka ito pinatahan. "Huwag ka nang umiyak, Amara."

~FLASHBACK~

An hour ago.

"H-Hubert, hindi ko kagagawan 'yan. Hindi ako ang nasa litratong iyan." depensa ni Thunder.

The Lady in the ProphecyWhere stories live. Discover now