Note

115 13 2
                                    

Maligayang pagdating, mambabasa! Ang tagal kong nawala sa pagsusulat ng fiction, dahil sa iba't-ibang kadahilanan (nag-OJT, grumaduate, nag-exam, nag-apply, naghintay), pero hindi iyon dahilan para tumigil ako sa pagsusulat

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Maligayang pagdating, mambabasa! Ang tagal kong nawala sa pagsusulat ng fiction, dahil sa iba't-ibang kadahilanan (nag-OJT, grumaduate, nag-exam, nag-apply, naghintay), pero hindi iyon dahilan para tumigil ako sa pagsusulat. Sa totoo lang ang tunay na dahilan ay nawala ako ng motibasyon at inspirasyon sa pagsusulat. Dumaan ako sa tinatawag na writer's block. Hindi ko na maipagpatuloy ang mga nasimulan kong sulatin. Hindi ako nakapag-isip ng isusunod na mga kabanata. Wala akong kaide-ideya. Kaya iniwan ko sila pati kayong mga readers, at dahil doon humihingi ako ng pasensya.

Habang nasa "hate phase" ako sa pagsusulat ay ibinaling ko ang oras ko sa digital art at paggawa ng video game (na hanggang ngayo'y inaaral ko pa rin). Pero ngayo'y napagtanto kong sa pagsusulat pa rin ako babalik. Pagsusulat kasi ang dapat pagtuunan ng pansin, dahil hindi ito madaling gawin. Isa pa'y dito ko nakikita ang sarili ko.

Kaya heto ako, nagbabalik sa pagsusulat ng isang nobela. Itong nobelang 'to ay matagal kong inisip at na-conceptualize. Mahaba ang conceiving period nito, at hanggang ngayo'y patuloy pa rin siya sa pag-develop tungo sa ikagaganda. Na-conceptualize ang nobelang ito sa paglalaro ng RPG video game na Etrian Odyssey (kung pamilyar kayo), pagbabasa ng A Game of Thrones ni George R.R. Martin (at ngayo'y nangangalahati na ako sa A Clash of Kings), panonood ng mga sci-fi movies (e.g. Ghost in The Shell), pagkaadik sa vaporwave music, pagsusuri sa sci-fi genre na cyberpunk, at mga literary classics tulad ng Neuromancer (William Gibson) at 1984 (George Orwell).

Itong Otherfolk ay masasabi kong isang social science fiction at dystopian na may cyberpunk elements, dahil ikukwento nito ang interaksyon ng mga tauhan sa isang lipunang sumasalamin sa follies at inequities ng tao. Tulad ng mga dystopian novels, ang mundo ng Otherfolk ay isang madilim na mundong puno ng mga taong hindi masaya sa kanilang sitwasyon, na pilit itinatago sa likod ng isang makulay at maliwanag na veneer. Kung pamilyar kayo sa cyberpunk genre ay mapapansin n'yong marami akong hiniram na cyberpunk concepts at elements sa nobelang ito.

Walang perpektong manunulat, at itong nobela ko'y maaaring malayo sa kalingkingan ng perpeksyon, pero sinusubukan kong paghusayan ang pagsulat ko, at pinaliligiran ko ang sarili ko ng mga bagay na makapagbibigay sa akin ng inspirasyon at motibasyon. Sa huli'y nagpapasalamat ako sa mga dati kong readers na nagbasa at nagbigay ng komento sa mga dati kong gawa, at sa mga magiging mambabasa ng nobelang ito, maraming salamat sa inyo. Salamat din kay @kathipuneraaa sa pagiging indirect motivation at inspiration sa aking pagsusulat. At higit sa lahat maraming salamat sa Nasa Itaas, Siyang nagpahiram ng hininga at talento ko sa pagsusulat. Para sa Kaniya ito.

Disclaimer: I do not own any rights to the photos used in the book cover and the chapter banners. They belong to their respective owners. They are solely used for graphic representation.

OtherfolkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon