Epilouge

37 3 1
                                    

Elle

Truth is the most painful thing in the world.Masakit malaman ang katotohanan lalo na kung sinara ng katotohanan na ito ang mga pinaniniwalaan mo.Mga paniniwalang minsan kang naging masaya at pinasaya ka.Masakit isipin na kahit anong pilit kong malaman ang katotohanan ay hindi ko nagawa,sa iba ko pa nalaman at ngayon ay papatayin na nila ako.

Masakit din isipin na akala mo'y malakas ka na pero hindi pala.Isa lang palabas na malakas ako at walang-takot.Ang totoo ay isa akong mahina na tao.Hindi ko kayang lumaban.

"So ano,kaya mo pa ba Elle?Sabihin mo lang at isang gilit lang namin sa iyon ay matatapos na iyang paghihirap mo" wika sa akin ni Jamie.

"Pero bago ka mamatay,kailangang maayos ang itsura,aayusin na parang may photoshoot ka ulit" sambit ni Sheily at nilabas ang isang gunting.Pumunta siya sa aking likuran at hinawakan ang aking buhok.

"Ang ganda talaga ng buhok mo,hindi talaga fair ang life" wika ni Sheily at ginupit ang aking buhok.Inunti-unti niya ito hanggang sa umiksi ito.Kasabay ng pag-lagas ng aking buhok ay ang pag-tulo ng aking mga luha.

Hindi ko kayang sumigaw o lumaban,maraming umiikot sa aking utak.Unang-una ay naiinis ako kay Ms.Crystal,akala ko iba siya sa mga taong nakilala ko,akala ko isa siya sa mga taong hindi ako sasaktan,pero nagkamali ako.Siya ang isa sa mga dahilan kung bakit nangyayari ito.Naiinis din ako ka mama kase hinayaan niya akong malapit sa kawalan.Hinayaan niya akong mamuhay sa kadiliman.

Ngayon ay kinakain na ako ng kadilimang minsan kong naging kakampi.Hindi ko na alam kung saan ako kukuha ng lakas.Hindi ko na alam kung ano pang dahilan para mabuhay ako.

"Alam mo ba Elle,unang kita ko pa lang sa iyo ay sobra-sobra na ang pagkaadik ko sa mukha mo.Yung tipong gusto ko itong tapyasin at idikit sa mukha ko" wika ni Jamie at nilabas ang isang kutsilyo.

Nilapat niya ang mukha niya sa akin at nagkatapat ang aming mga mukha.Hinaplos niya ito na para bang isang maskara na pwede niyang suotin kahit kailan.

"Ang kinis talaga ng mukha mo,walang kahit anong galos.I wonder if it will make me more beautiful" sambit niya at tinapat ang kutsilyo sa aking noo.Idiniin niya ito at napaigtad ako nang maramdam ko ang hapdi nito.

"Huwag!Please huwag ang anak ko!Wala siyang ginawang masama.Ako na lang!Ako na lang!" wika ni mama na katapat ko lang.Kitang-kita ng dalawa kong mga mata ang luha sa mga namumula niyang mga mata.

Tumayo si Jamie at nilingon naman niya si mama.Tumutulo-tulo pa ang dugo doon na galing sa akin.Bakit di ko magawang sumigaw?Bakit di ko magawang lumaban katulad ng kanina?

"Oh sige,tutal ikaw naman ang puno ng lahat ng ito" wika ni Raphael at sinabunutan siya.

"Alam niyong dalawa,dapat si mama lang talaga ang papatayin namin pero may nalaman kami na sobrang ikinagalit ng puso ko." wika ni Sheily sa aming dalawa.

"Nalaman namin na may cancer si mama at...malapit na siyang mamatay...Siguro'y napagisip-isip niyang kailangang may humawak ng Pellucid at alam mo kung sino-sino ang nakita niya?Ikaw at ang mama mo.Dapat sa amin niya ipapamana ang Pellucid!" tugon niya at doon ay nanlaki ang aking mga mata.

"Siguro'y naisip niya na malaki ang kasalanan niya at ayaw niyang mapunta sa impyerno kaya bumabawi siya sa mga ginawa niya sa nanay mo pero...salamat sa nanay mo na baliw-baliw.Noong araw na nahanap ni Ms.Crystal ang mama mo ay nag-usap sila pero tinanggihan siya ng mama mo.Buti nga at nagkaroon pa kami ng maraming oras para agawin sa kanya ang lahat" wika ni Raphael.

"Siguro nagtataka kung bakit malaki ang galit ng nanay mo kay Ms.Crystal noh?Umabot pa iyon sa punto na gusto niyang ipapatay sa iyo si Ms.Crystal,tama ba ang sinabi ko!?Kaya nga gustong-gusto niyang pumasok ka sa Pellucid ay dahil gusto niyang ikaw ang maghiganti kay Ms.Crystal.Hindi ka minahal ng mama mo,ginamit ka lang niya" sigaw ni Raphael at tinapat niya ang kutsilyo sa leeg ni mama.

De•VourWhere stories live. Discover now