13:Startle

36 1 0
                                    

Elle

Hindi muna nila ako pinapasok o binigyan ng isang panibagong project.Noong monday pa ako na-discharged sa hospital at pagkalabas na pagkalabas ko ay agad akong tinawagan ni Ms.Crystal na huwag munang pumasok.Maayos naman na ako ngayon at at wala ng masakit sa katawan except sa utak kong excited na patayin siya.

Kakauwi ko lang galing sa libing ng my-so-called bestfriend Mary.They actually played the show that I made.Now it's time to put the curtains down.

"You're doing great Elle.You're fine" wika ko sa repleksiyon sa aking salamin.

"Kaya mong gawin ang dapat mong gawin.You're gonna be at the top while everyone is looking.They will know your name Elle.Every person will know your beautiful story" muli kong sambit at sa oras na ito hinahawi ko na ang aking buhok.

Tumayo ako kinuha sa aking cabinet ang pistol na puno ang magazine ng mga bala.Matagal na itong binigay sa akin ni mama.Siguro 5 years ago noong nag-sisimula pa lang ako sa modelling industry.Sinabi niya na gamitin ko ito sa oras na ilabas ng lahat ang mga armas nila.Armas na sisira sa buhay ko.


"You're going to die Ms.Crystal" mahina kong bulomg at mabilis hinila ang gatilyo ng baril.

Walang lumabas na baril o isang malakas na putok.Naka-on pala ang safety button ng baril na ito.What a pretty dumb lady I am.

"Ang tanga-tanga mo!" sigaw ko sa salamin at tumawa-tawa.Hindi ko alam pero ngayon lang ulit ako natawa.

"All will die!" sigaw ko at bigla na lamang akong nangigil.Kinuha ko ang baril at binato ito sa salamin.Hindi ganon kalakas ang pagkabato ko kaya crack lang ang nagawa nito.

Tumapat muli ako sa salamin at doon ay nakita ko ang aking sarili.This is me.The twisted version.of me.The shattered version of this beautiful lady.

"You're going to be okay" wika ko sa aking sarili.

Tumayo ako at hinubad ang lahat ng damit ko.I slowly walked into the bathroom.Mabilis kong nilublob ang sarili ko sa bathtub.

Nilublob ko ang sarili hanggang sa maramdaman kong nunti-unti na akong nawawalan ng hininga.Pinilit ko ang sakit sa ilong dahil sa tubig.Then after a few moments ay iniahon ko na ang aking ulo.

I can't explain the feeling.I feel so relieved.Maybe this is the gift of having a demented soul.Hindi mo na kailangang makasakit pa ng ibang tao para lang guminhawa ang pakiramdam mo.Hurting my self is enough to release the anger.

"Fuck you Life!" sigaw ko at muling tumawa.

"Who's in control now!Bitch!" muli kong sigaw at pinaglaruan ang mga bubbles na galing sa bathtub.

"I-i'm in control now." wika ko and I just burst into tears.

Nababaliw na ba ako?.Siguro nga oo pero hindi nila o niyo ako masisisi.Masiyado akong maraming napagdaanan sa murang edad.Mga karanasang hindi angkop sa utak.Now I'm stuck between normal and twisted fantasy.

Pinatong ko na lamang ang ulo ko sa headboard ng tub.Doon ay umiyak lang ako ng umiyak.Gusto ko lang umiyak ng umiyak hanggang sa manuyo ako.Hanggang sa mamatay ako.

∆•∆•∆•∆•∆

Nagising na lamang ako na nakahandusay sa lapag ng CR ng walang saplot na kahit ano.Nakatulog na ako dito dahil sa kapaguran.Tumayo ako pinulupot sa katawan ko ang isang towel at lumabas ng bathroom.Tinignan ko ang oras at napasabi na lang ako ng shit.


"Late na ako!" wika ko at agad bumalik sa C.R.


Matapos ang ilang sandali ay lumabas ako nag-lagay ng kung ano-ano sa aking katawan.Lotion,make-up at ilan pang beauty products.Alam niyo yung nakakainis?yung mas matagal pa yung bihis mo kaysa sa ligo mo.


Matapos nito ay sinuot ko ang isang tight jeans at isang isnng simpleng white crop-top na t-shirt.My typical me.


Lumabas na ako ng aking condominium at sumakay na ng taxi.Sinabihan ko na si kuya na bilisan pero parang bingi yata.


"Kuya pakibilisan naman!" sigaw ko sa kanya at doon ay tinignan niya ako ng masama.


"Andito na tayo miss.157 pesos" malamig niyang banggit sa akin.


Inirapan ko siya at iniabot ang bayad ko.Napakasungit naman nun.Hindi bumabagay sa aura ko ngayon.


I feel so energetic today as if nothing happened to me.Well,this is what I'm good at pretending...hiding



Bumaba na ako ng taxi at dumiretso na sa loob.Lahat sila'y nakatingin sa akin na may awa sa mukha.Well,advantagae sa akin yung nagmumukha akong kaawa-awa kase mas madadalian ako sa pagcocomouflage.



"Okay ka na ba?" bigla na lamang umupo si Raphael sa aking tabi.Kasalukuyan akong naglalagay ng foundation sa aking mukha para sa photoshoot para sa panibagong issue ng magazine.



"Tatapatin kita Raphael.Hindi ako okay at gusto kong umiyak dahil sa pagkawala ni Mary pero kailangan kong maging matatag para sa kanya" naiiyak kong sabi sa kaniya at sumandal sa balikat niya.



"You're going to be fine okay" sagot niya at niyakap ako.



"Get a room guys" isang boses ang aking nadinig kaya kumawala ako sa kanyang yakap.



Hinanap kong ang pinanggalingan ng boses at nakita ko ang isang babae.Pamilyar siya sa akin at ang mukha niya.Tama!Siya!.Siya yung babaeng nag-make up sa akin noon.



"Hi Elle" nakangiti niyang sambit sa akin.

End of chapter













De•VourDove le storie prendono vita. Scoprilo ora