21:Eccentric

20 1 0
                                    

Elle

Nasa condominium na ako ngayon at nakahiga ako sa kama ko.Nagtataka ako ngayon sa nakita kong picture kanina sa taxi.Alam kong pwedeng coincidence lang yung nakita ko pero paano kung totoo iyon?.

Paano kung si Raphael nga ang nag-bigay sa akin ng sleeping pills na iyon.Paano kung gusto niya nga akong patayin?.Paano kung lahat silay ay pinapatay ako sa patalikod?.

Tumingin ako sa orasan at isa't kalahating oras na lang bago mag-start ang party.Hindi ko alam kung magbibihis ako o magmukmok na lang dito sa kuwarto ko.Baka coincidence lang iyon.Baka naman may sleeping problem si Raphael kaya umiinom siya noon.Baka aksidente lang na maling baso ang nainom ko ng araw na iyon.

Tumayo na ako mula sa pagkakahiga sa aking kama at pumunta sa C.R para maligo.Makalipas ang ilang sandali ay kinuha ko nng puting dress na may rose pattern at hanggang tuhod at sinuot ko ito.Nag-lagay ako ng kung ano-ano sa mukha at maya-maya pa ay handa na ako.

Umalis na ako sakay ang isang taxi papunta sa agency.Ano kayang mararatnan ko doon?.Ang inaasahan ko ay yung typical party na maingay at masaya pero sa tingin ay magiging elegant at classy ang party na ito.Tulad ng mga party ng mga mayayamang tao.

"Ma'am naandito na po tayo" wika sa akin ni kuyang driver.

Tumango lang ako at iniabot sa kanya ang bayad ko.Umalis na ako sa taxi at tumungo sa entrance ng Pellucid.Doon ay bumungad sa akin ang dalawang babae na desente ang damit.

"Your invitation ma'am" wika sa akin ng isang babae.

Nilabas ko nng invitation na binigay sa akin ni Ms.Crystal kanina at binigay ito sa babae.Binuksan nila ang pinto at agad akong pumasok.Sumakay ako sa elevator papunta sa rooftop ng building.

Maraming mga bagay ang umiikot sa aking utak ngayon.Kinakabahan din ako kase ito ang kauna-unahang partty na pupuntahan ko.Hindi ako pinapapunta ng nanay ko sa kahit anong party noon kaya hindi ko alam kung anong itsura noon at kung ano ang mga mangyayari.

Makalipas ang ilang minuto ay narating ko na ang rooftop.Doon ay bumungad sa akin ang isang kakaibang tugtog,parang yung ginagamit sa runway o mga fashion show.Hot pink at violet ang napapansin kong kulay ng paligid.Palagi akong natutulala tuwing nakakakita ako ng neon colors.Para silang sumasayaw sa utak ko kapag nakikita ko sila.

Kanina pa pala nag-start ang party.Ang rinig ko sa isang babae ay kakatapos lang mag-speech ni Ms.Crystal.So ibig sabihin sobrang late ko na pala,at least pumunta.

"Hey!Late ka ha!" bumalik ako sa realidad ng tapikin ako ni Sheily sa aking braso.

"Well,may inasikaso lang akong mga bagay-bagay" sagot ko sa kanya.

"Whatever,umupo na nga tayo.Hinanda na kita ng seat,ang bait kong kaibogan diba" sambit niya at hinawakan ang kamay ko.

Dinala niya ako sa medyo gilid na part ng rooftop.Doon ay may circular table at napapalibutan ng limang chairs.Sa tatlong mga upuan ay nakaupo sina Raphael,Calvin at...Jamie.Bakit naandito si Calvin?Akala ko ba ayaw niya sa akin?Akala ko ba mas malaking credit ang makukuha niya doon sa unang agency?.

Umupo ako at katabi ko si Sheily.Kuwento lang siya ng kuwento na parang may nakikinig sa kanya.Sa aming lima ay walang nag-salita kahit isa.Nakatingin na naman sa akin si Jamie ng masama.

Pinipilit kong tanggalin ang kaba sa pamamagitan ng alak na binibigay sa akin ni Sheily.It's a wine naman kaya I'm sure na hindi ako malalasing kaagad.Lumagok ako ng isa at nadagdagan pa ng isa.

"So you're here Elle" malamig niyang tugon at hinaplos ang balikat ni Calvin.

"I heard you did a great job kanina,ano bang sikreto mo?" tanong niya para kabahan ako.Huwag mo sabihing alam niya na nakapatay ako ng dalawang model.

"Elle uso mag-salita" sambit ni Sheily sa amin.

Hindi pa rin ako nag-salita.Nababalot ng awkwardness ang atmosphere at hindi ko alam kung bakit.Pinipigilan nitong mag-salita ako.

"Nice to see you here Elle" muling nawasak ang katahimikang namumuo ng mag-salita si Ms.Crystal sa likuran nina Jamie.Nakangiti sa akin na parang bnnag first time lang namin magkita pero may kakaiba.Her eyes are dead.

Ngumiti lang ako bilang sagot dahil natatakot ako sa kanya ngayon.Hindi ko alam kung bakit pero may kung ano sa kanya na nagsasabing huwag ko siyang kausapin at layuan ko siya.

"Puwede ba kitang makausap kahit sandali.Hihiramin ko muna siya guys" paalam niya sa aking mga kasama

Tumayo ako at dinala ang aking bag.Pumunta kami sa bandang likod ng rooftop.Hindi ko alam kung anong pakay niya pero kinakabahan ako.

"So Elle,sagutin mo ako,kaano-ano mo si Vernice?" diretso niyang tugon sa akin.

"Paano niyo po n-nakilala si mama?Nanay ko po siya" n-nauutal kong banggit

Inilabas niya ang isang litrato at naaalala ko ito.Ito yung litratong nakita ko noon nang linisin ko yung kuwarto ni mama.Ito yung litrato na kung saan magkasama silang dalawa at magkayakap.

"Noong pagkakita na pagkakita ko pa lang sa iyo ay naalala ko kaagad si Vernice sa iyo at mas dumagdag pa ang hinala ko na nanay mo siya nang makita ko ang fullname mo sa lab results nung nalason.Kamusta na siya ngayon?" tanong niya sa akin at nakikita kong unti-unting namumuo ang luha sa mata niya.

Bigla akong nalungkot nang makita ko ang reaksiyon niya.Siguro nga ay sobrang close niya kay mama kaya ganito na lang ang reaksiyon niya nang malamang anak ako ng tinuturing niyang bestfriend.Bakit ba sobra ang galit ni mama sa kanya?.Bakit gustong ipapatay ni mama sa akin si Ms.Crystal?.Ano bang nangyari noon sa kanilang dalawa?.

"Okay naman po siya" iyan lang ang tangi kong nasagot sa kanya.

Tuluyan na ngang napahagulgol sa iyak si Ms.Crystal.Hindi ko alam peeo ang takot na nararamdaman ko sa kanya ay napalitan ng awa.

"I must go now,I need to be alone Elle" wika niya at umllis na habnng pinupunasan ang mga luha niya.Pabalik na sana ako nang bigla akong may maramdaman na kakaibang hilo.Parang nagpaikot-ikot yung paligid ko at parang naghahalo yung kulay na hot pink at violet.

Hindi ko na kaya,parang matutumba ako kahit anong oras.Aalis na sana ako nang may marinig ako sa pinakalikod na bahagi ng rooftoop.Mga ungol ito.

Hindi ko na talaga kaya pero dahil sa kuryosidad ko ay sinilip ko kung saan ito galing.Pagkakita ko pa lang kung anong pinagmulan nito ay nag-simulang tumulo sa aking mata ang luha.

Sana pala hindi ko na lang nakita.Sana hindi ko na lang nakita na nakapatong si Sheily kay Raphael at naghahalikan sila.Sana pala hinayaan ko na lang.Sana matapos na ang buhay ko.

End of chapter









De•VourWhere stories live. Discover now