9:Bewildered

43 1 0
                                    

Elle

Hindi ko alam pero someting is bothering me.May mga ilang bagay na gumugulo sa aking isipan ngayon.Una na roon yung nakita ko ang sarili ko na nakahandusay sa baba at duguan.Pangalawa,nakapatay ako ng tao.

Hindi ko naman sinasadya na patayin siya.Something inside me has been triggered why I killed her.It's not me who dispatch her but my twisted mind.

"Okay ka lang?Parang malalim yata iniisip mo?" tanong sa akin ni Raphael.

Nasa restaurant kami ngayon at kasalukuyan kaming kumakain.Nang oras na may makakita sa katawan ng babaeng iyon ay agad akong umalis para hindi na ako tanungin pa ng mga pulis.

"Oo naman" sagot ko at ngumiti.

I'm not okay.I need help right now.I just killed a fucking girl and I'm starting to be demented.Paano ako magiging okay ngayon?.

"Nawalan na naman ng magaling na model ang Pellucid.Natatakot na tuloy ako pumasok" mahinang wika ni Raphael pero dumagundong iyon sa mga tenga ko.

Bigla akong kinabahan sa sinabi niya.Paano na lang kung alam niya na pinatay ko yung model na sinasabi niya?.What if they find out my skeletons?.Will they still see me as a beautiful human being or a messed up monster?.

"Sino kayang pumatay sa kanya?Mabait naman siya at madaling pakisamahan.Pero hindi natin alam,baka malaki yung naging kasalanan niya dun sa killer kaya siya pinatay" muling sambit ni Raphael.

"A-anong ibig mo sabihin sa sinabi mo kanina?" tanong ko sa kanya.

"Ano yun?" tugon niya.

"Yung sinabi mo na nawalan na naman ng magaling na model yung Pellucid?" muli kong tanong sa kanya.

"Kase kada year ay may mga namamatay na model sa company.Sabi nila na sumpa iyon pero hindi naman.Look at us,we are the most famous fashion company in this country" sagot ni Raphael at ngumiti.

Naguguluhan ako sa sinabi niya na mga models na namamatay.Baka accident prone lang yung building.It's just a theory so I don't have to worry about it.

Ang kailangan kong isipin ngayon ay kung bakit ko nakikita yung sarili ko tuwing may namamatay na model.Una,yung sa runway at sumunod ay yung sa pagkahulog ni Beth.

Baka stress lang o di kaya'y nababaliw na ako.Baka naman hallucination ko lang yung mga bagay na iyon pero baka naman ay bumabawi na sa akin si karma.Maraming dahilan at maraming sagot pero naguguluhan ako kung ano ang tama.

Maya-maya'y natapos na rin kami sa pagkain at lumabas na kami ng restaurant.Nag-suggest pa nga itong si Raphael na gumala pa raw kami pero masiyado ng gabi.Isa pa ay pupuntahan ko pa si mama sa mental hospital.

Wala na akong choice kundi dalhin si mama doon.Iyon na lang ang makatutulong sa kanya.Sana sa lugar na iyon ay mahanap niya ang sarili.

"Anong plano mo once na mas sumikat ka pa?" pagbasag ni Raphael sa katahimikang bumabalot sa akin.

"Ewan,wala pa akong plano sa buhay ko.I'm just going to let life decide that for me" sagot ko sa kanya.

"Pero paano kung sa mali ka dalhin nito?" muli niyang tanong sa akin.

"Then I'm just going to live with it.Kung doon ako gustong dalhin ng buhay na ito ay doon ako.I can't control life." wika ko sa kanya at bumuntong hininga.

Nag-sisimula ng lumamig ang paligid.Uulan din siguro dahil may ilang pag-kidlat sa mga ulap.

"Nilalamig ka ba?" tanong sa akin ni Raphael.

"Hindi" iyan lang ang tangi kong nasagot.Sa totoo lang ay nilalamig ako ng sobra.

Bigla na lamang akong nasurprised sa sunod niyang ginawa.Tinanggal niya ang kanyang jacket at pinasuot ito sa akin.

"Nababasa kita Elle.Alam kong nilalamig ka.Marami na akong nakilalang tao na katulad mo" wika ni Raphael sa akin.

"Ano bang pinag-sasasabi mo?" nakangiti kong tanong sa kanya.

I feel a little bit nervous sa sinabi niya.Kung nababasa niya ako ay sana alam niya ang mga sikreto.Siguro obvious lang siguro na nilalamig ako kaya nasabi niya iyon.

Habang nag-lalakad ay biglang nag-ring ang cellphone ko.Kinuha ko ito sa aking bulsa at sinagot ito.Lumayo muna ako ng bahagya kay Raphael dahil baka personal ang pag-uusapan namin ng kausap ko.

"Hello?Sino po ito?" tanong ko sa aking kausap.

"Kayo po ba si Elle Meredith?Isa po ako sa nurse ng mental hospital kung saan nagpapagaling ang nanay niyo.This morning ay nag-wala siya kaya tinurukan namin siya ng pampatulog and ngayon ay muli siyang nagising at nagsisigaw-sigaw." wika ng aking kausap.

"Aalagaan niyo naman po siya diba?" tanong ko sa aking kausap.

"Yes pero ngayon ay ayaw pa rin niyang tumigil at sinisigaw niya po ang pangalan niyo at nung Crystal.I guess makakatulong kung pupunta kayo rito" panapos na sambit ng aking kausap at binaba na ang telepono.

End of chapter




De•VourKde žijí příběhy. Začni objevovat