1:My World

136 5 0
                                    

Elle

"Ready?" tanong sa akin ni Calvin habang hawak-hawak ang isang camera.

"Always" tipid kong sagot at umupo na sa pulang couch.

Malagkit sa braso ang pulang likido pero kailangan ko itong tiisin.Nakakapuwing din ang stickers at sobrang kati ng make-up sa aking mukha ngunit kailangan ko itong tiisin.

Mga ilang saglit pa'y sunod-sunod na flash na ng camera ang paulit-ulit na bumulag sa aking mata at kailangan ko iyong tiisin para maging maayos ito.

"Last one shot" anunsiyo ni Calvin at humiga naman ako sa pulang couch.

"We're done!Good Job Elle!" masayang banggit ni Calvin sa akin.

Tumayo na ako at pinakita niya sa akin ang mga shots at namangha ako pero parang may kulang.Natatakot akong baka hindi na naman ako matanggap.Kailangan ko pang ulitin lahat.

"Bakit parang malungkot ka?" tanong sa akin ni Calvin.

"Pwede bang ulitin natin?.Para kasing may kulang" walang emosiyon kong sagot sa kanya.

"Ano ka ba!?.Ang ganda kaya nito at sigurado akong matatanggap ka na sa modelling agency na iyon.Huwag kang mag-alala." malumanay niyang tugon sa akin at hinawakan ang magkabila kong pisngi gamit ang kamay niya.

"Okay" sagot ko at nginitian siya.

"Mauuna na ako at may wedding pa ako na pupuntahan.Wag ka na mag-abalang ayusin pa ang kalat dito dahil may pupunta naman dito mamaya at tsaka pwede bang ikaw na mag-lock sa pinto bago ka umalis?" tanong niya sa akin.

"Oo naman" sagot ko.

Umalis na siya dala-dala ang kanyang bag at camera niya.Naiwan ako mag-isa rito sa malaking studio na ito.Bumuntong hininga ako at kinuha na rin ang mga gamit ko.

Pumunta ako sa C.R at tinanggal ang make-up at kung ano pang mga design sa aking mukha.Tinignan ko ang mukha ko sa salamin nang malinis na ito.Naalala ko tuloy yung sinabi ni mama sa akin.

"Anak tandaan mo.Bobo ka,wala kang talento pero may espesiyal sa iyo.Iyang kagandahan mo at iyan ang magiging asset mo sa mundo na ito.Huwag mo hayaang may sumira niyan." iyan ang mga katagang paulit-ulit kong sinasabi sa aking sarili.

Umalis na ako at ni-lock na ang studio.Tuwing natatapos ang photoshoot ko ay nag-lalakad ako pauwi,hindi dahil sa wala akong pera kundi mas sumasaya ako kapag naglalakad.

"Saan kaya ako dadaan ngayon?Alam ko na!" mahina kong banggit sa isip ko.

Lumakad ako papunta sa parke kung saan maraming tao dahil weekend.Alam ko na kapag dumadaan ako rito ay mas mapapalayo ako pero I prefer to get lost than be found.

Palubog na ang araw at wala pa rin ako sa bahay.Umupo muna ako sa isang bench at uminom ng tubig.

"Sana ganito na lang araw-araw" mahina kong bulong sa akin sa aking sarili.

"Hi miss" isang boses ang aking nadinig at laking gulat ko dahil may katabi na pala akong lalaki.

Pinagmasdan.ko ito at masasabi kong mukha itong adik.Halata dahil sa damit nito at hawak nitong bote ng alak.

Tatayo na sana ako pero bigla niyang hinawakan ang palda ko dahilan para umupo ulit ako.Sa oras ito nilagay ng lalaki ang kanyang kamay sa legs ko.

"Babayaran naman kita" bulong niya at hinalikan ang leeg ko.

Hindi ako makapag-salita.Hindi ako makagalaw.Natatakot ako.

"Anak tandaan mo.Bobo ka,wala kang talento pero may espesiyal sa iyo.Iyang kagandahan mo at iyan ang magiging asset mo sa mundo na ito.Huwag mo hayaang may sumira niyan." muli kong inalala ang sinabi ng aking ina.

Buong lakas ng loob kong pinulot ang bote at binasag ko ito sa ulo na lalaki.Tumusok ang ilang bubog nito sa ulo niya at dumudugo ang buo niyang mukha.

Nanginginig ang mga kamay kong pinulot ang aking bag at umalis na.Patuloy ang pag-tulo ng luha sa aking mga mata.

Nakauwi na ako at dali-dali akong pumunta sa shower at ni-lock ito.

Nakaupo ako sa bath tub at hinahayaan ang malamig natubig ang bumalot sa akin.Hanggang ngayon ay hindi ko masabi sa mga magulang ko ang nangyari sa akin.

"Mamatay ka ng baliw ka!" isang sigaw ang umalingawngaw sa buong bahay at sinabayan iyon ng pag-basag ng ilang mga gamit.

Nag-aaway na naman sila.Sinasaktan na naman niya si Mama.Gusto ko na lang makatakas dito.Gusto ko ng kumawala.

"Magpakamatay ka na lang baliw!" isang sigaw muli ang aking nadinig.

Nilublob ko ang aking mukha sa tubig at sana'y sa oras na iangat ko ito ay maayos na ang lahat.

End of chapter

De•VourTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon