3:Witness

68 4 0
                                    

Elle

Gabi na ng makauwi ako sa bahay.Masayang-masaya ang mood ko ngayon dahil natanggap ako.Hindi ko kailangan si Calvin sa buhay ko.I can conquer this world all by myself.

Sa kauna-unahang pagkakataon ay ngayon ko lang nakita na masayang magkasama si mama at papa.Nasa couch sila parehas at nanonood ng horror movie.

Noong bata ako ay favorite stress reliever ko ang panonood ng mga nakakatakot na palabas.Something in those movies makes me comfortable.Something that no one gives me.

"Anak musta ang audition?nakapasok ka ba?" tanong sa akin ni mama habang nakasandal sa braso ni papa.

"Natanggap ako mama sa modelling agency" iyan lang ang tangi kong nasabi dahil iyan lang ang dapat nilang marinig.

"For real?.I mean!Yes!That's great anak.You can now be like me!Just like me" wika ng aking ina at tumayo para yakapin ako.

I never dreamed of being you Mom.I wanted to be me.Just like me.

"Pumasok ka na sa kuwarto mo anak.Mag-pahinga ka na dahil alam kong pagod na pagod ka" sambit ni mama at hinalikan ako sa noo.

I know something's gonna happen but I'm just going to let it.

That's what they're.Nag-aalala lang sila kapag may nangyari sa akin o kung may nagawa akong maganda.Hindi nila alam ang loob ng utak ko at puso ko.

Pumasok na ako sa aking kuwarto at pagod na pagod na humiga.Tumulala ako sa kisame ng aking kuwarto.Doon ay bumungad sa akin ang dalawang poster ni Kendall Jenner at Cara Delevigne.Those two are my inspiration why I'm doing these.

Palagi akong nag-tataka kung anong pinagdaanan nila sa buhay.Gusto kong malaman dahil sa bawat picture na makikita ko ay magagandang mukha nila ang bumubungad at hindi ang nasa loob ng utak nila.I always see their perfect carved bodies but not their drowning hearts.

Ipinikit ko ang aking mga mata sa pagbabakasakaling gumaan ang mga iniisip ko.I always talk using my mind not by my mouth.Natatakot akong mag-salita dahil sa mga sasabihin ng tao sa akin.Natatakot akong baka hindi ko makontrol ang lumabas sa aking bibig.

Minulat ko ang aking mga mata at kasabay niyon ay isang malakas na sigaw ng babae ang aking nadinig.Akala ko'y susundan pa ng isa pero hindi na.Doon na ako sinimulang kabahan.

Tumayo ako at dahan-dahang lumabas ng aking kuwarto.Bumungad sa akin ang aking ina na umiiyak sa sahig at katabi niya si papa na nakahandusay.Duguan ito at may kutsilyo sa dibdib.

I should scream right now pero hindi ko magawa.Wala akong maramdaman na kung ano.Kailangan kong umiyak pero hindi ko magawa at ayokong gawin.

"P-pinatay ko siya!" masayang sigaw ni mama at binunot ang kutsilyo sa dibdib ni papa.

Humarap siya sa akin at nakangiti siya.May talsik ng dugo ang kanyang puting bestida na suot.

"Ikaw na lang Elle.Ikaw na lang" paulit-ulit niyang wika at tumakbo patungo sa akin.Agad akong bumalik sa aking kuwarto at sinara ang pinto.

"Ikaw na lang Elle!Ikaw na lang!" muling sigaw ni mama.

Kung kanina'y wala akong maramdaman ay ngayo'y meron na.Natatakot ako.

"Mama tama na!" sigaw ko pero patuloy lang sa pag-dabog si mama sa pinto.

Kinuha ko ang aking cellphone at tumawag ng tulong.Kinakabahan ako at natatakot sa maaaring gawin sa akin ni mama.Natatakot ako na saktan niya ako muli.

"Mama tama na!Natatakot po ako" sigaw ko at sa isang iglap ay tumigil ang pagdadabog sa aking pintuan.

Tumayo ako at lumayo sa pinto.

"Mama?" malakas kong tanong at ganun na lamang ang gulat ko nang masira ang gitnang bahagi ng pintuan ko.Doon ay lumabas ang kamay ni mama at pinipilit abutin ang door knob.

"Mama please!" sigaw ko at bigla na lamang akong nagising.

It was just a freaking nightmare.Akala ko totoo na.

Tumayo ako at pumunta sa C.R para mag-hilamos ng mukha.Pagkatapos nun ay tinignan ko ang aking mukha.Hobby ko na tumulala sa salamin habang tinitignan ang aking sarili.

"Hindi iyon mangyayari sa iyo Elle.Tandaan mo iyan" wika ko sa aking sarili.

Bumalik na ako sa aking kuwarto at nag-hahanda ng matulog nang may marinig ako.Alam kong normal na sa bahay na ito ang mga ganun pero kinabahan ako.Isa iyong nakatitindig balahibong sigaw.

Napatayo ako sa aking kama at ganun na lamang ang kaba ko nang bumukas ang pinto ng aking kuwarto.Doon ay bumungad si mama sa akin at umiiyak.

End of chapter

De•VourΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα