16:Hostiles

24 1 0
                                    

Elle

Nakaupo kami ngayon nina Calvin at yung kasama niya sa isang couch sa gilid ng room.Nakayuko lamang si Calvin at hindi tumitingin sa aking mga mata.Yung babae naman na hindi ko alam yung pangalan ay nakatingin lang sa akin na para bang hinuhusgahan ako.

"So you're Elle?" pagbasag niya sa katahimikang bumabalot sa akin.

Tumango na lamang ako bilang pag-sangayon sa kanya.Ayokong malaman niya ang boses ko.Ayokong may malaman siya sa akin.Ayoko sa kanya.

"Palagi kang kinukuwento ni Calvin sa akin.He said that you're a great model" muli niyang sambit at ininom ang laman ng baso niya.

Biglang iniangat ni Calvin ang ulo niya at may binulong sa babaeng kasama niya.Ngumingiti naman ito na parang baliw.

This girl has the looks.Di na ako magtataka kung model siya dahil sa tangkad niya at magandang cheekbones.Bumagay dito ang maiksi niyang buhok.

"So nice meeting you Elle.By the way I'm Jamie." wika niya at tumayo na sinabayan naman ni Calvin.

"Oh!I forgot my phone!Puwede mo ba akong samahan Elle?" tanong niya sa akin.

Tumingin ako kay Calvin na ngayo'y may kakaibang mukha.Parang ayaw niya akong pumayag pero wala akong magagawa.It's rude naman na tumanggi ako.

"Okay." iyan lang ang tangi kong nasabi at sinamahan ko siya sa C.R.

Papasok pa lang ako nang bigla niya akong tinulak sa loob.Napadapa ako at nakita kong sinara niya ang pinto ng girls comfort room.

"Leave Calvin alone" agad niyang wika nang humarap sa akin.

Hindi ganun kasakit yung pagkatulak niya kaya tumayo ako.Hindi ako papadaig sa babaeng ito.She's nothing compare to me.

"Fuck you.Wala akong pake sa Calvin mo.Ngayon paalisin mo ako kung ayaw mong masaktan" sagot ko sa kanya.

Lalakad na sana ako nang harangan niya ang pinto.Ano bang problema niya?.Naiingit ba siya sa akin?.

Muli ay may naramdaman akong kakaiba na pumasok sa akin.It's more than just anger,it's like excitement.I'm excited to kill her until she screams and beg to me.

"You're nothing" mahina kong bulong at akmang itutulak ko siya nang ilabas niya ang ang isang table knife at nahiwa niya ang braso ko.

Napasigaw ako dahil sa hapdi.Pakiramdam ko'y sobrang lalim ng hiwa na ginawa niya sa akin.Ramdam ko rin yung dugo na lumalabas galing dito.

"Don't try me bitch.I'm much more bigger than you" nakangiti niyang sambit.

"Alam mo may isang model akong nakilala na tulad mo.Maganda...almost perfect.Maraming naiingit sa kanya dahil sa mala-anghel niyang mukha...but sometimes an angel can trigger the demon...and that's me.Nainggit ako at alam mo kung anong ginawa ko?.I devour her" wika niya at dahan-dahang dinilaan ang table knife na may dugo ko.


Hindi ako makapagsalita.Parang nawala lahat ng tapang na matggal kong pinaghirapan.Parang nawala lahat ng confidence ko.Parang nanghina ako sa ginawa niya.Parang matatalo niya yata ako.


"Surprised?.Well,marami pa akong masasamang bagay na kayang gawin so stay away from me and Calvin" muli niyang sambit at lumabas na.


Naiwan ako mag-isa dito habang nakaupo at shock sa nakita.Did she just lick my own blood?.Did she ate another girl?.Akala ko ako na ang pinakamasamang tao pero hindi pala.Marami pa akong hindi alam sa mundong ito at handa akong alamin iyon.Kahit pa kamatayan ang kalabanin ko.


Tumayo na ako at pumunta sa isa sa mga sink para hugasan ang sugat ko.Binuksan ko ang gripo at tinapat dito ang sugat ko.Napasigaw ako nang tumama ang tubig pero kailangan kong tiisin ito.Maliit lang na bagay ito bukod sa mga nakita ko at naranasan.A single cut won't hold me down.


Lumabas na ako at malalim pa rin ang iniisip ko.Isang malaking threat sa akin nng babaeng iyon.Pwede niya akong patumbahin kahit anong oras gusto niya.Kaya niya akong patayin sa kahit anong lugar na gusto niya at sure ako na hindi ito ang huli naming pagkikita.Isa pa ay yung kay Calvin.I can see straight to her eyes na ayaw niya sa babaeng iyon.


"Hey!Okay ka lang?" halos magulat ako ng bigla akong tapikin ni Sheily.


"Oo" sagot ko at tinakpan ang sugat ko.


"Kahit takpan mo pa iyan ay nakita ko na.Sino may gawa sa iyon niyan?.Hindi niya ba alam na model ka?Dapat sinampal mo para awesome" nakangiti niyang banggit sa akin at umupo na ulit kami sa isang couch na may dalang wine.


Again,napangiti na naman ako ng babaeng baliw na ito.Nawala bigla yung nangyari kanina.Parang napalitan ng excitement.Mali nga ang inisip ko sa kanya na tulad siya ng iba na palagi.akong sinasaktan.She's different because I know that she's not going to abandon me.


"Hindi pa ba tayo uuwi?" tanong ko sa kanya.


"Hindi pa at tsaka wala tayong photoshoot bukas kaya okay lang yan.Ito na yung time natin para makapagpahinga" sambit niya at ininom ang wine na nasa baso niya.


"So ito pala ang definition ng pahinga sa iyo.Neon lights,loud music,dancing people ang type ng pahinga mo" sagot ko sa kanya at tumawa kami parehas.


For the first time I laughed but this time it was true.


"By the way itatanong ko sana sa iyo kung may naaaninag ka ba doon sa tumulak sa iyo" tanong niya sa akin.


"No but I see her long blonde hair" sagot ko at tumingin sa kanya.


"Wag mo akong tignan ng ganiyan.I have this beautiful hair pero hindi kita itutulak" sagot niya at muling uminom.


Sana nga.Sana.

End of chapter


De•VourTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon