MBT 30 ♥ Pain Reliever

Start from the beginning
                                    

“Ang gwapo nga kaso masama.”

“Tsk Tsk! Wala ng matinong lalaki ngayon.”

“Hey, stop crying! Shh!”

Lumakas pa ng lumakas ang pag-iyak ko.

“Nakatingin na sila lahat sa atin kaya tumigil ka na please!”

Biglang bumuhos ang ulan. Kasing lakas ng  iyak ko pero hindi pa din ako umaalis sa kinatatayuan ko.

“Sh*t! ”

Bigln niyang hinawakan ang kamay ko at hinila ako papasok sa kotse niya. Pumasok na din siya at inistart ang kotse. Papatakbuhin na sana niya kaso pinigilan ko.

“Iyong bike ko!”

Tumingin ito sa labas at yamot na lumabas ulit . Hindi ko na alam ang ginawa niya tapos ay pumasok na ulit ito sa kotse.

“I hate this day!”

Pinaandar na nito ang kotse.

+++++++++++++++++++++

Jinred’s Condo

7:00pm

Allie’s (Mar) POV

Malakas pa din ang ulan at lamig na lamig na ako kasi naman binuksan pa ang aircon nakitang umuulan na.

“Oh!” sabay hagis sa mukha ko ng tuwalya. “Magpunas ka!”

Nagpunas na ako habang patuloy at palakas ng palaks ang pag-iyak ulit.

“Will you please stop crying?!?” pasigaw na sabi nito na siyang ikinatahimik ko. Umalis ito saglit at bumalik din agad. “Magbanlaw ka para hindi ka sipunin. Gamitin mo nalang iyong bathrobe ko. May shampoo at sabon na din doon.” Umalis na ulit ito.

Naglakad na ako papuntang banyo niya. Siya na may condo. Ang laki pa.Mayaman eh! Pagtapos kong maligo ay sinuot ko ang kaniyang bathrobe ay hindi BATHROBE pala, malaki eh. Lagpas na sa paa ko ang bathrobe niya pero in fairness ang bango nito.

May naamoy din akong masarap. Parang niyayaya akong sumunod noong amoy na iyon sa kaniya at dinala ako nito sa kusina kung saan nakita ko si Jinred na nakatopless. Makikita mo ang balikat niya na sagana sa exercise. Maging ang braso nito na may muscles at ang sarap hawakan.

“Tapos ka na pala. Sakto at nakaluto na ako. Tara kain.”

Nakaharap siya sa akin at kita ko si Hmmm! Nang-aakit ba siya? GAWD RAWR!

“Hoy!”

Umupo na ako at nagsimulang kumain. Ang sarap naman ng niluto niya. Hindi lang pala puro yabang ang lalaking ito may ipagmamalaki din.

 “Flat Chested.”

Tinignan ko siya ng masama.

“Anong totoo mong pangalan?”

“Hindi mo na kailangan malaman.” sabay irap ko.

“Siguro Flat Chested o baka naman……… Flat Chested o kaya naman……..Flat Chested?”

Malapit na akong mag evolve into dragon tapos bubugahan ko ng apoy ang pagmumukha ng hinayupak na ito.

“Ano doon sa tatlo?”

“WALA!”

“Flat Chested!”

Hindi ako umimik.

“Yuhoo Flat Chested!”

Tinakpan ko ang tenga ko para hindi marinig ang ginagawa niyang pang-aasar. Tumayo ito at lalong tinapat sa mukha ko ang bibig at…

“Flat Che-elst-twed ! Alay!” I pinched his cheeks so hard until it goes red. “Aray! Ang sakit.” Sabi niya habang hawak hawak ang pisngi.

“Ayaw mo kasi akong tigilan eh. Hindi naman ako Flat Chested!” tinignan ko siya ng masama pero ito ay tawa lang ng tawa habang bumabalik sa upuan.

Tumayo ito sabay lagay ng plato sa lababo. “Pagkatapos mo diyan hugasan mo ha? Pati itog akin.”

“Aba! Bakit pati iyo? Bisita mo ako dito dapat ikaw ang maghuhugas.”

“Hindi kita bisita. May atraso ka pa sa akin kaya kapiranggot ng kabayaran mo ay hugasan mo ang plato.”

Umalis na ito habang ako ay dumiretso na sa lababo. Badtrip talaga. Maya maya ay may malakas na tawa akong narinig.

“Hahahahaha!!!! I can’t imagine a girl wearing an underwear like this.”

Tumingin naman ako sa kaniya. O_O. Oh My God! Mabilis pa sa alas singko ang ginawa kong pagkuha mula sa kamay niya ng panty ko. Tinapa siya badtrip. Iwagayway ba na parang bandera ang panty ko?

“Spongebob? I’m sure meron ka ding Patrick, Squidward, Plankton, Cindy, Mrs. Pop, Mr. Crabs and any cast ng spongebob square pants. Hahahaha”

Shet! Nakakahiya. “Bakit mo pinakeelaman ang panty ko? Manyak ka!”

“Woow! I’m not a pervert.”

“Eh bakit mo kinuha ang panty ko?”

“Ida-dryer ko lang sana kaso—bwahahaha!!!!”

Grrrrrrr!!!!! Sinapak ko siya sa braso. “Aw!”

Tapos ay naglakad na ako papuntang kwarto niya. Nakakahiya talaga. Umilaw ang phone ko. At ang pangbungad sa akin ay ang picture ni Love. Ginawa ko kasing screen saver ang picture niya. Stolen iyon at ito ang latest.

Sana magustuhan mo na ako sa pagbabagong ginawa ko sa sarili ko. Sabi ko sa isip

 Pinunasan ko ang pisngi ko dahil sa pagpatak ng luha ko.

“Oh!” Si Jinred habang nilalahad sa akin ang isang box ng tissue. Kinuha ko iyon at umupo siya sa tabi ko. “Iniwan ka ba ng boyfriend mo kaya ka umiiyak?”

“Wala akong boyfriend!”

“Eh bakit ka ba kasi umiiyak?”

“Wala.”

“Wala daw ehy kung makahagulgol parang niloko ng boyfriend.”

“Hindi ko siya boyfriend.”

“Hindi mo pala siya boyfriend eh. Ano mo siya?”

“Love.”

Tumawa ito. “Naiinlove pala ang mga flat chested na may spongebob underwear”

Hinampas at kinurot ko siya. “Ang kapal mo. Tao rin namana ko naiinlove.”

 “Hindi pa rin pala nakatulong ang pang-aasar na ginawa ko sayo. Inaalis ko lang naman sa dibdib mo ang sakit.”

Inaalis niya ang sakit? Naramdaman ko ang kamay niya sa ulo ko sabay sandal nito sa balikat niya.

“Iyak ka lang hanggang mawala ang sakit.”

Ganun na nga ang ginawa ko umiyak, iyak, iyak. 

Napatigil lang ako sa pag-iyak ng maramdaman ko na unti-unting bumibigat ang pakiramdam ko sa kanan kung saan nandoon si Jinred. Umalis ako sa pagkakasandal sa kaniya kaya nahulog na ito sa kama.

“Tignan mo nga naman itong mokong na ito. Pinaaalis ang sakit sa dibdib ko tapos tutulugan lang ako. Sira talaga.”

Pero infairness natanggal nga nito. Hindi na nga ako makaiyak eh. Nakatulong ang pang-aasar nito sa akin kasi nakakalimutan ko pansamantala ang nagyari. Tinignan ko ito at nginitian.

“Salamat!”

Kasabay ng pagtila ng ulan ay kinuha ko na ang tuyo kong damit at umalis.

~ADJ

++++

Waah!!! anong masasabi mo? comment naman

My BIG Transformation (another ending)Where stories live. Discover now