#89 - Matagal Na Pala

462 9 1
                                    

#89 - Matagal Na Pala

I

Matagal na pala kayo.

Nagdiriwang na kayo ng anibersaryo.

Masaya ako para sa inyo.

Sana magtagal pa kayo.

    

    

II

Matagal na pala kayo.

Binabati ko kayo.

Ang saya-saya ninyo.

Kumusta naman ako?

     

   

III

Matagal ko na rin palang itinatago

Na lubos na nasasaktan pa rin ako.

Hanggang ngayon? Oo.

Hindi halata, ano?

    

    

IV

Hayaan mo na ako.

Ganito talaga kapag nagmamahal nang patago.

Ganito kapag minamahal mo ang kaibigan mo.

Ganito kapag mahal mo ang taong hindi sa'yo.

     

   

V

Masakit, oo.

Wala naman akong karapatang magreklamo.

Masaya ka na, at iyon ay nakikita ko.

Kitang-kita naman sa mga mata mo.

From Me To You (a compilation of poems)Where stories live. Discover now