#3 - Mcdo

5.1K 74 8
                                    

#3 - Mcdo

I

Lagi na lang nag-iisa, nag-hihintay.

Kailan kaya ako may makakasabay?

Nakakapagod na, kahit ako'y sanay.

'Pag ako naman, meron bang mag-hihintay?


II

Nagmumukha na naman ako na tanga.

May hinihintay pa ba 'ko o wala na?

Oras na ba para ako'y sumuko na,

O tuloy pa rin kahit posibleng wala?


III

Dumating siya at hatid niyo'y saya.

Walang kapantay na ligaya ang nadama.

Nang dumating, siya lang ang nakikita.

Dinig sa paligid ang 'Ikaw' na kanta.


IV

Nagkatinginan, ngunit nag-iwasan din.

Kunwari walang namagitan sa amin.

May kasama siyang iba sa pagkain

At ako naman ay naghihintay pa rin.


V

Sa wakas, dumating na ang kaibigan ko.

Sabi ko'y pumasok din 'siya' sa Mcdo

Ngayong umaga ng araw na Sabado

Dalawampung minuto ng oras na pito.

From Me To You (a compilation of poems)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang