#81 - Pagkalimot

525 9 0
                                    

#81 - Pagkalimot

I

Nakalimutan ko ang aking papel.

Sa buhay mo, ano nga ba ang aking papel?

Nakalimutan ko ang aking panulat.

Sa katotohanan, kailan ako mumulat?

     

    

II

Nakalimutan ko ang sasabihin ko.

Nakalimutan ko ang isusulat ko.

Nakalimutan ko ang gagawin ko,

Pero 'di ko makalimutan ang nararamdaman ko.

     

   

III

Sandali, ano nga ba ulit iyon?

Ano nga ba ang pinaggagawa sa amin kahapon?

Ano nga ba ang dapat na gagawin ko ngayon?

Kamusta ka na kaya ngayon?

    

    

IV

Agad akong umiling sa nakakainis kong naisip.

Bakit ba iyon ang sumagi sa aking isip?

Napakadaming bagay ang gusto ko nang kalimutan.

Pinakawalan lang kita pero 'di kinalimutan.

     

    

V

Nakakalimot ako ng mga bagay.

Nakakalimot kahit ang magsuklay.

Nakakalimot ng mga sagot sa mga tanong,

Pero bakit 'di kita makalimutan hanggang ngayon?

From Me To You (a compilation of poems)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon