#23 - Volleyball

1.9K 36 4
                                    

#23 - Volleyball

I

Sa bawat pagpasa at pagtira

Talagang ipinipilit na isalba

Upang hindi mahulog nang tuluyan

At matapos ang lahat, nang ika'y luhaan.
 

 
   
   

II

Napapagod at nahihirapan man

Hindi dapat sumuko kailanman.

Hanggang sa katapusan,

Ika'y patuloy na lumalaban.
 

  
    
   

III

Mabuti pa ang bola sa laro.

Sana volleyball na lang din ako.

Na sa aking pagkahulog sa'yo

Subukan mo man lang din akong masalo.
 

   
    
    

IV

Ipinapasa mo man ako sa iba

At natutuwa ka kapag mahuhulog na ako sa kanya,

Ang importante lang ay maging masaya ka

Aking kaisa-isang sinta.
 

  
    
     

V

Sa bawat pagsalo at pagtira

Sa akin ang iyong mga mata.

Ako ang iyong natatamaan

At ako rin ang pinaglalaruan.

From Me To You (a compilation of poems)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora