#39 - Tingin

1.4K 30 0
                                    

#39 - Tingin

I

Sa kanyang mga titig, kay sarap matunaw.

Hindi alintana kung mundo man ay magunaw.

Sa tunog ng kanyang dibdib, ako'y napapasayaw.

Sa sobra kong saya, ngiti ko'y hindi mapigilang lumitaw.

    

    

II

Tunay na maligaya sa tuwing siya ang kasama.

Kumpleto na ang araw tuwing kami'y magkasama.

Sa kakaibang pagkislap ng kanyang mga mata,

Siguradong akong ako'y mahal niya na.

   

    

III

Hindi nga ako nagkamali sa aking naisip.

Nangyari ang lahat ng aking mga nasa panaginip.

Siya'y umamin na ako'y matagal nang sinisinta.

Ito ang dahilan kung bakit mas minahal pa siya.

     

    

IV

Kay sarap talagang mabuhay kapag umiibig.

Matatamis na mga salita ang lumalabas sa bibig.

Ako'y natulog nang may malapad na ngiti.

Sana ganito na lang kami palagi.

    

    

V

Ngunit dumating na ang araw na siya'y nagbago.

Kanyang pagmamahal, bigla na lang naglaho.

Wala na ang dating kislap sa kanyang mga mata

Ngunit bumabalik tuwing nakatingin na siya sa iba.

From Me To You (a compilation of poems)Where stories live. Discover now