#43 - Alam Ko

1.2K 23 0
                                    

#43 - Alam Ko

I

'Di ba siya ang mahal mo?

Oo, alam na alam ko.

Lagi mo ba namang ipamukha sa akin.

Isa ka talagang dakilang manhid.

    

    

II

Mahalaga siya sa'yo 'di ba?

Malamang, kasi mahal mo siya.

Oo na, ako na itong tanga.

Alam ko, matagal na.

    

    

III

Siya ang dahilan ng iyong pagngiti?

Halatang-halata naman sa iyong mga labi.

Sa kanya lang umiikot ang iyong mundo.

Oo na, alam ko.

   

    

IV

Sino ang nagsisilbing buhay mo?

Siya lang, alam ko.

Palagi namang siya.

Sanay na ako dati pa.

    

      

V

Alam ko kaya 'di mo na kailangan pang sabihin.

Alam ko kahit 'di mo na siya banggitin.

Alam ko na kahit kailan 'di ko siya mapapantayan.

Alam ko na hindi mo ako mamahalin kahit kailan.

From Me To You (a compilation of poems)Where stories live. Discover now