#53 - "Hindi Na"

906 15 0
                                    

#53 - "Hindi Na"

I

Aking mahal, ikaw kaya ay nasaan?

Nagsimula nang tumingin sa aking orasan.

Lingon sa kaliwa pati na sa kanan

Hanggang sa ako'y natuliro at natigilan.

     

     

II

Mga mata'y may nakitang hindi inaasahan.

Nanikip ang dibdib at natuyo ang lalamunan.

Masamang naiisip, mistulang 'di mapigilan.

Ito ay naging dahilan upang lubos na masaktan.

     

    

III

"Sino ba siya?"

"Bakit mo siya kasama?"

"Anong meron sa inyong dalawa?"

"May tayo pa ba?"

     

    

IV

Pagmamahal noon, nauwi na sa sumbatan.

Mistula na lang alaala ang dating paglalambingan.

Nagsimula nang magsigawan at magkasakitan

Hanggang sa hindi na tayo magkaintindihan.

     

   

V

Ako'y iyong tinalikuran at 'di na muling tumingin pa.

Ito ba talaga ang 'relasyon' na pinapangarap ng iba?

Magsisimula sa dalawang "Mahal kita"

At magtatapos sa nag-iisang "Hindi na."

From Me To You (a compilation of poems)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon