#41 - Bagyo

1.3K 23 7
                                    

#41 - Bagyo

I

Tuwing umaga, pati na rin sa gabi

Lamig ang palaging namumutawi.

Ang mga kaulapan ay mistulang sawi

Patuloy na umiiyak, parang ako rito sa tabi.

    

   

II

Ano kaya ang mas mauunang bumaha?

Ang ulan na walang tigil, o ang aking mga luha?

Ano kaya ang mas nakakasira?

Ang hangin na malupit, o ang pang-iiwan niya?

   

     

III

Sa bawat kidlat, ako ay nababahala.

Ako ay nagsisimula nang mag-alala.

Paano kung ako na naman ang siyang matamaan?

Palagi na lang ba ako ang masasaktan?

    

   

IV

Anong lakas nang tunog ng mga kulog.

Ito yata ang dahilan kaya hindi ako makatulog.

Sandali, ito nga ba ang aking dahilan?

O itong sakit na aking patuloy na nararamdaman?

    

    

V

Lumipas ang oras, tumigil na ang ulan.

Nawala na rin ang sunod-sunod kong mga luha.

Natira na lamang ay lamig na wala namang patid.

Lamig na nagiging dahilan sa aking pagkamanhid.

From Me To You (a compilation of poems)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon