#35 - Tula

2.7K 35 2
                                    

#35 - Tula

I

Ang tula na ito ay para sa iyo.

Ang lahat naman ay tungkol sa iyo.

Kailanman alam kong hindi magiging ako.

Kailanman alam kong walang tayo.

     

    

II

Ang tula na ito ay para sa iyo.

Gusto kong malaman mo, ako'y nandito.

Naghihintay sa tabi para sa iyo.

Handang masaktan kapag iba ang hanap mo.

    

    

III

Ang tula na ito ay para sa iyo.

Sa wakas, napansin mo na rin ako!

Natupad ang nag-iisang pangarap ko.

May tsansa pa palang maging tayo.

     

     

IV

Ang tula na ito ay para sa iyo.

"Mahal kita" ang sabi ko.

Sapat na ang mga pagngiti mo

Kahit 'di ko narinig na ako rin ay mahal mo.

    

     

V

Ang tula na ito ay para sa iyo.

Minahal kita nang totoo at buo

Ngunit nagkulang pa rin pala ako.

Tol, bahala ka na sa buhay mo.

From Me To You (a compilation of poems)Where stories live. Discover now