#57 - Hindi Ako

864 15 0
                                    

#57 - Hindi Ako

I

Ang iyong mga ngiti ay walang kapantay.

Mga nakakakita ay napapasabay.

Meron daw nagpapasaya sa 'yo

Pero alam kong hindi ako.

     

    

II

Ang mga mata'y kumikislap sa tuwa.

Mga nakakakita ay lubos na humahanga.

Usap-usapan ang inspirasyon mo

Na hindi naman ako.

     

     

III

May isang espesyal na babaeng laging hanap.

Para raw sa kanya'y kaya mong gawin ang lahat.

May nagpapatibok na raw sa puso mo

Pero hindi ako.

    

    

IV

Nakangiti habang sa malayo'y nakatanaw.

May minamahal ka na raw sa bawat araw.

Gumaganda ang paligid tuwing siya'y kasama mo

At iyon ay hindi ako.

     

      

V

Lagi mo raw sambit ang kanyang pangalan.

Hinahatid mo raw siya tuwing uwian.

Akala ng lahat, ako ang mahal mo.

Paulit-ulit na sinabing, "Hindi na ako."

From Me To You (a compilation of poems)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora