#61 - Tago

715 17 0
                                    

#61 - Tago

I

Hindi mo dapat makita

Aking tunay na nadarama.

Walang dapat makahalata

Na ika'y mahal ko na.

     

    

II

Sa oras na may makaalam,

Alam kong may masasaktan.

Uunahin muna ang kaibigan

Bago ang sariling kagustuhan.

     

     

III

Matagal ko nang alam

Na ikaw ang kanyang inaasam.

Hindi ko dapat aminin

Na ika'y mahal ko na rin.

     

     

IV

Kahit parehas tayo ng nadarama

Alam kong hindi pa rin ito tama

Na ako ay lubos na magpakasaya

Habang alam kong may masasaktang iba.

      

    

V

Masyado pa tayong bata

Para sa mga ganitong eksena.

Saka na tayo magsama

Kung ang panaho'y tama na.

From Me To You (a compilation of poems)Where stories live. Discover now