#37 - Panyo

1.3K 23 0
                                    

#37 - Panyo

I

Heto na naman, at umiiyak na naman siya.

Sabay-sabay na naman ang mga luha niya.

Kailan kaya siya titigil at mapapagod

Iyakan ang taong dahilan ng kanyang pagluhod?

     

     

II

Palagi na lang siyang nagmamakaawa sa iba.

Hindi naman niya ito dapat ginagawa.

Bakit ba hindi siya lumingon rito sa tabi niya,

Sa akin, na tunay na nagmamahal sa kanya?

    

   

III

Isa siyang maharlikang dapat ingatan.

Siya ay hindi karapat-dapat na saktan.

Isa siyang anghel na mula sa langit.

Isang tunay na biyaya ang kanyang paglapit.

    

    

IV

Ang maggagawa na lamang ay simpleng pagpunas.

Nawa'y makatulong ako at sana'y ako ay maging lunas

Sa kanyang puso na unti-unting nadudurog

Kasabay ng araw na lumulubog.

    

    

V

Palagi ko na lang siya pangingitiin

Upang mabawasan ang sakit na nararamdaman ko rin.

Hahayaan na lang ang sarili na masaktan

Huwag lang siya hayaang malugmok sa kalungkutan.

From Me To You (a compilation of poems)Where stories live. Discover now