It will Rain

3.2K 62 18
                                    



BEA POV

I lost my counting but it doesn't matter anymore. I just realized na kung magbibilang ako at iisipin kung ilang oras pa kailangang lumipas para matapos ang isang taon, maiinip ako at maffrustrate.

So i just let it passed.

Di ko mapigilan ang mangiti ng malaki dahil katabi  ko ngayon si Jho sa Van ni Sir Tony. Pupunta kami sa CNN studio and we will be interviewed by Mico Halili.

Pero kailangan ding magpigil dahil kasama namin si Ate Mona.

Bahagya kong nilingon si Jho na busy sa phone.

"Ate, ano yung possible questions na matatanong samin ni Jho?" Pag basag ko sa katahimikan.

Lumingon naman ito pati si Jho ay napatingin din.

"Well, itatanong lang nila yung preparations niyo, losing Kim and Jia in the lineup, and claiming the beach volley crown might help going into the indoor volleyball. And also, the condition of the team and you Bea leading the squad." Ate Mona answered.

"Let's divide the questions to both of us." Lingon ko kay Jho.

"Okay lang." Jho said plainly.

"Yung preparations, pagkawala nila Kim and Jia tapos yung condition ng team ang sayo at sakin naman ang natira." Sagot ko.

"Hmm okay." Muling tipid na sagot nito.

Huminga ako ng malalim saka hinugot ang phone sa bulsa.

Nung mahuli kami ni Maddie hindi na ulit naulit ang komunikasyon namin ni Jho. Madalas sa training nalang kapag kinakailangan.

Hindi na rin muna ako gumawa pa ng hakbang para makapag usap ulit kami.

Nag give time na rin muna ako for myself. Spoil myself from things. Spend time with my friends.

Ilang sandali pa ay nakarating na kami sa studio. Inayusan kami sandali saka naghintay hanggang sa tawagin kami for the interview.

"Bea.."

Nilingon ko si Ate Mona.

"Dont try me." She said plainly.

Nagsalute lang ako ng bahgya sa kanya saka sumunod kay Jho.

We started answering questions. And i always help Jho when she seems to be out of words.

After 15 minutes i think ay natapos rin.

"Good job there, Jho." I greeted.

"Are you trying to prolong the condition?" Nakakunot noong tanong nito.

"No, im not. Why would i do that? And im just greeting you. Masama na ba iyon?"

"Ate Mona is Ate Mona. Rules are rules for her. Wag mo namang pahabain pa yung pagkakahiwalay natin dahil nahihirapan na ako sa sitwasyon."

"Hindi ko naman pinapahaba ah? Masama na ba ang simpleng bati? We're teammates after all."

"Pero lahat ng gagawin natin kahit walang bahid na iba ay iisipin pa ring mali dahil mayroong 'tayo'. Kaya pwede ba Beatriz, please lang! Umiwas ka nalang!."

I Just WannaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon