I'm the one for you

4.2K 170 25
                                    

"I'm the one for you
Even when you're far away
we both know
that I'm closer to you
than any other woman.
and no matter how many woman
you dated

I'm the one you'll always think of
Before you go to sleep"
  
  
  
I'M THE ONE FOR YOU

JHOANA POV

"Can you please stop posting photos of us?" Di ko mapigilang sabihan si Ged.

"What's wrong with that?" He asked. "We're friends."

"People think we are in a relationship kahit hindi naman. At isa sa mga dahilan kung bakit ka nababash ng mga fans. Then you'll play the victim gayong nakikipagsagutan ka rin sa kanila." Sagot ko.

"So you don't care if you are teamed up with Bea the bastos?"

Napakunot noo naman ako. "Kahit kailan,  hindi naging bastos si Bea. Ikaw yun,  Ged. Pati teammates ko,  pinagsasalitaan mo. Wala ka man lang respeto lalo na sakin na kasamahan nila."

Umingos ito. "Hindi naman nila ako nirerespeto ah? Bawian lang."

"Napaka childish mo."

Bakit ba naging kaibigan ko itong lalaki na to?

Iniwan ko siya roon at nakasalubong ko naman si Marge kasama si Marci.

"Oy anyare sayo?" Tanong agad nila.

"Nakakainis yung kaibigan niyo. Napaka!" Umirap pa ako.

"Kaibigan?" Marci

"Si Ged."

Natawa naman silang dalawa. "Di namin kaibigan yun."

"Yeah." Agree ni Marge. "Simula nung taluhin niya si Marci,  kinalimutan na naming kaibigan siya."

"Di ka rin ba nakatiis sa pagiging bum nun?" Marci

"Sama ka nalang samin para di ka na malapitan nun." Hinila na ako ni Marge at di rin naman umangal.

Pumunta kami sa tambayan namin pag vacant. Kwentuhan.

"So wala na bang pag asa na maibalik yung friendship niyo ni Bea?" Marge.

"Mukhang friends naman na kami ulit. Hindi na siya naiilang?" Di ko siguradong sagot ko sa kanila.

Pero to be fair,  nakakamiss yung dating friendship namin ni Bea.

Gusto ko siyang lapitan pero natatakot akong umiwas siya.

Saka mukhang masaya na siya at ayoko namang ibalik yung dating malungkuting Bea dahil lumapit pa ako sa kanya.

Kaya naman madalas ay hinihiling ko yung mga panahong siya mismo nakikipag usap sakin at lumalapit.

"Naiilang? Bakit?"

"Kasi nagagawa niya ng makipagbiruan sakin pero kapag kasama lang yung teammates namin."

"Mukhang nakamove on naman na pala eh. Pwede niyo ng ibalik yung dating friendship niyo."

"Mahirap." Maikling sagot ko.

Ayokong bumigay.

"Pero miss mo na siya?" Marci

"Oo. Sobra." Napakagat labi pa ako.

"Nalaman ko kay Gi na hindi mo daw tanggap si Bea as Lesbian? Totoo ba yun?"

"Naging mahirap para sakin na tanggapin siya. Lalo na,  sobra kaming close tapos huli ko ng nalaman? Ako pa na bestfriend niya ang huling nakaalam. Parang nakadagdag iyon sa reason kung bakit nahirapan ako na tanggapin siya. But i did accepted her. Hindi ko lang nasabi sa kanya."

I Just WannaWhere stories live. Discover now