Bitaw na.

4.8K 135 16
                                    

BEA POV

"Ano balita?"

Nagulat pa ako sa nagtanong. Kay Gi.

Nakatambay kasi ako rito sa rooftop. May hawak na notes pero wala roon ang isip.

"Huh?"

"Ganyan ka porke may bago ka na,  kinakalimutan mo na ako." She nudged me.

Umayos naman ako ng upo para makaupo rin ito.

"Kinakalimutan ba yung every uwi ko,  may pasalubong ka?" Natatawang tanong ko.

"Gusto ko na ngang isipin na suhol yun eh." Sabi nito. "So kamusta ang puso ni Beatriz Isabel 'Masokista' De Leon? Nakamove on na ba?"

"Hindi. Hindi naman ganun kadali." Sagot ko.

"Rate it,  1-10. How madly inlove you are with Jho?"

Natawa naman ako. "Am i mad na ba?"

"Malapit ko ng isipin na ganun ka nga. So?"

"7." Sagot ko.

"Wow!  I thought it was 11" she exaggerated na kinatawa rin namin pareho.

"Pero to be fair,  i didn't expect na 7 lang ang isasagot mo. Mababa masyado eh. So may kinalaman ba si Ms M dito?"

"Maybe. Siguro dahil madalang ko na rin makasama si Jho na palaging kasama si Ged. And i wonder if sinagot niya na ang pangit na yun. Di ko alam pero totoo yung sagot ko na 7 nalang."

"Ayain mo,  double date. Hahaha!"

"Baliw."

"Magdate kayong magbestfriend. Magkamustahan kayo. Para nalang kasing nag iiwasan kayo eh. Ginagamit niyo pa yung dalawa."

"Di naman ako umiiwas. It just that everytime i try to ask her out,  busy siya." Malungkot kong sagot.

"Wala namang busy kapag bestfriend ang nag aaya o nangangailangan di ba?" She asked.

"Pagbigyan nalang natin."

"Si Mia,  nanliligaw na ba talaga?"

"I can't let her court me. Idagdag pang ang pangit tignan na babaeng babae, manliligaw sakin?"

"Eh di ikaw manligaw. Pero alam ba niya na inlove ka sa bestfriend mo?"

"Oo. She will wait whether na mauwi sa lahat yung paghihintay niya o mangyari ang gusto niya." Pahayag ko. "Minsan nahihirapan ako na pinaghihintay ko siya. Alam mo naman ayoko ng may pinaghihintay."

"Nagmahal lang din naman siya. Tulad mo. Masokista."

"Oo na. Masokista na."

"You know what? You really need to move your ass from where you are. Tanungin mo si Jho kung ano na si Ged sa buhay niya o may pag asang sagutin niya ito. If she said yes? Mag move on ka na. Kasi maiiwan ka lang sa ere. Ikaw lang din mahihirapan." Sabi nito.

"Yan din sabi nila Ate Den. Nag iipon lang ako ng lakas ng loob. Baka kasi bigla na naman akong umiyak sa harap niya."

"That's good."

Ngumiti lang ako.
.
.
.
.
"Happy soul. Thank you!"

Nakangiting lumingon lang ako kay Jho. Kinuhanan ko lang siya ng pictures habang panay pose nito sa bawat makita naming magandang spot sa museum na yun at kahit yung hindi ito nakatingin.

Baka last na kasi ito.

Yeah,  your last picture you will take dahil may iba nang gagawa niyan para sa kanya.

I Just WannaWhere stories live. Discover now