closer

4K 107 11
                                    

"But the most beautiful thing in life are not things. They're people,  and places,  and memories, and pictures. They're feelings and moments and smiles and laughter."

BEA POV

We slipped the crown. La Salle was just too much for us.

"Sorry,  Ate Ly!" Niyakap ko ng mahigpit si Ate Ly. "Im sorry."

Hindi naman ito sumagot kundi tinanggap lang yung yakap ko habang umiiyak. Maya-maya ay humiwalay saka pilit ang ngiting naglakad paikot sa court habang pumapalakpak.

"MVP! MVP!  MVP!"

Yan halos maririnig sa arena. Maski ibang LS fan ay nakikisigaw rin eh.

Pinuntahan ko nalang yung ibang teammates ko saka inalo ang mga ito. Si Maddie who was blaming herself for not being there to fight.

She had an ACL towards the end of the second round.

Nakita ko naman si Jho na nakayuko lang sa isang tabi.

Huminga ako ng malalim saka ito nilapitan.

"H-hey..."

Dahan-dahan naman itong nag angat ng tingin. There i saw her silently weeping.

"Maybe this season is not for us. Let's be positive nalang." Sabi ko.

Hindi ko na rin napigilang,  punasan ang mukha nito.

"Bea..." Mahinang tawag nito.

"Kung sana,  nilakasan ko ang mga palo ko. Kung sana mas pinag igihan ko yung depensa ko. Kung sana mas naging mindful ako sa errors ko.. Kung sana... Kung sana..."

"Shh! You did great." Hinila ko siya saka niyakap.

Isinubsob naman nito ang mukha sa dibdib ko habang patuloy na umiiyak.

And we are back to zero.

"Tahan na. We did our best. We tried everything to keep the ball alive. We fought but it's just,  La Salle was always there. We can't always win every battle. We cant always have the championship." I whispered in her ear.

"Im sorry..." I heard her murmured.

"It's okay,  Jho. Tahan na. Hindi man natin naiuwi ang last championship for Ate Ly,  there's still something to be rejoice for. Umabot tayo rito sa series na to. Hindi agad-agad tayo sumuko. At alam kong mas titibay ang mga puso natin dahil dito."

She just keep saying sorry. Niyakap ko nalang siya habang pinapat ang likod nito.

Hanggang sa tawagin kami bilang first runner up. I still smiles kahit alam kong maga na rin ang mga mata ko sa pag iyak.

"Hey,  smile ka. Pagtatawanan talaga kita kapag nakita ko mga pictures natin sa fb at twitter." Sabi ko rito.

"Loko ka. Eh ikaw lumaki na mga mata mo!" Bawi nito saka natawa ng bahagya.

"Ganyan nga. Happy happy! May next season pa para magsimulang muli."

We pose with our silver medal. Tapos hinug naming lahat si Ate Ly,  Ate Amy and Ate Mae.
.
.
.
.
"Anyare?" Di ko mapigilang itanong pagpasok ko sa dorm namin.

Mga nakahilata sila sa sala. Yung iba naglagay ng comforter sa sahig.

Mga tahimik.

"Bakit ganyan kayo?" Tanong ko pa ulit.

Walang nagsisagot kaya naman pumunta ako sa kitchen at nakita naman doon si Jia at Jho.

Si Jia,  nagpprepare ng pagkain. Si Jho,  nakapatong lang ang baba sa nakacross nitong mga braso sa table. Nakatitig sa patatas pero mukhang wala roon ang isipan.

I Just WannaWhere stories live. Discover now