First!

4K 90 3
                                    


BEA POV

Pagkapark ko ng car sa garage ay tinignan ko phone ko and saw a reply from my girlfriend.

'Girlfriend. Hahaha!'

'Girlfriend ko na ang pinakamamahal ko!!! Wahahaha!'

Di ko na naman mapigilang ngumiti. I opened her message.

Mrs Jho De Leon: Di ako yung sweet. Yung pagmamahal ko yun. 😘 you home?

Hahahahaha!

I type for a reply.

Bea De Leon: Hayy Beh. Lalo akong nahuhulog sayo. Hehe! And yes Beh. I'm home.

Kinuha ko ang mga gamit ko saka bumaba. May sumalubong namang maid at kinuha gamit ko kaya hinanap ko nalang sila Mom.

I saw her and Dad in the Pool Side.

"Hi mom.. Dad.." I kissed them in cheeks.

"Glad you're home. Mag ayos ka na at may pag uusapan tayo." Ani Mom.

"About what?" Tanong ko.

"I saw something in Twitter that you and Jho are together again."

Natahimik naman ako.

"So are you two together are back as friends or what?"

"Maya na yan mommy niya. After dinner saka pag usapan natin. Okay?" Dad.

"Okay dad. I'll go ahead." Paalam ko saka umakyat sa kwarto ko.

Naglinis lang ako ng sarili saka muling bumaba at pununta na sa dining room.

Kwentuhan. Kamustahan. Pero hindi binuksan ang topic kanina.

After dinner,  tumambay kami sa living room.

"I'm just worried,  Beatriz. Jho maybe special to us pero she hurt you. That's why i want to know about the happenings." Mom.

Ngumiti naman ako. "Mom,  it's my choice to get hurt when i choose to love Jho more than bestfriends."

"I moved on. Yes i did. I did move on from getting hurt. That's what i realized. I did not moved on from loving her. And napatunayan ko iyon sa isang post na nabasa ko. That you only get hurt talaga if you think about it kaya naman sinubukan kong wag ng isipin yun and focused on what's making me happy."

Then kinwento ko sa kanila yung nangyari about samin ni Jho. Everything. Pati yung kalokohang ginawa ng teammates namin.

"Okay we'll support you Beatriz pero please! Please don't let anyone hurt you." Mom went to my side and hugged me.

I hugged her back. "Yes mom." Sagot ko. Lumapit din ako kay Dad at yumakap rito. "Thank you Dad."

Bumalik na ulit sa upuan ko. "I'm so glad i have parents like you. Kahit big na ako,  you're always there to guide and help me." Nakangiting sabi ko.

"Of course,  anak. At kahit pa magkaroon na kayo ng sariling pamilya ni Loel, nandito pa rin kami ng mommy niyo if you need help and advice." Dad.

"Always remember, Beatriz." Ani Mom na kinatingin ko sa kanya.

"We'll catch you when you fall." She stated.

"Thank you,  love you all." I answered with misty eyes.  Muli akong yumakap sa kanilang dalawa.

Alam kong hinding hindi ako pababayaan ng mga magulang ko. But still,  she didn't want then to catch her. This was her life. Ginawa niya ito para sa sarili niya. She would take the consequences no matter what happened.

But knowing they would be there what ever happens warms my heart.
.
.
"What is your greatest fear, Bei?"

Umangat naman tingin ko rito. "Bakit?"

"Wala, naitanong lang." Sagot naman nito habang patuloy sa pagstroke ng buhok ko.

Nakahiga ako sa lap niya. Nandito kami sa room niya at nila Gi. Everyone's partying and we choose to spend it alone with each other.

Sa table na nasa harap nito ay nakapatong ang laptop ko at nanunuod ng isang Lesbian movie. First time. Hehe! At may kasunod pa mamaya. Haha!

"My greatest fear? Hmm" napaisip naman ako.

Ano nga ba ang kinatatakutan ko?

"I think, I'm afraid of death." Sagot ko.

"How?" Tanong naman nito.

"Kasi like oras,  hindi ko hawak iyon. I don't know when will be my death. I'm afraid na malapit na pala akong kunin pero hindi ko pa nagagawa yung ibang bagay na gusto ko." Sagot ko.

"If you'll know when,  anong gagawin mo?"

"Spend my time for my love ones. Bring happiness for them. Hindi ko hahayaang maging malungkot sila dahil bilang na ang oras ko sa mundo. And i will produce video how much the mean to me." Hinawakan ko ang isang kamay nitong nkapatong sa tyan ko. "Ikaw? Ano pinakatatakutan mo?"

"Pinakakinatatakutan ko ay mawala ang mga magulang ko nang hindi ko pa naibabalik yung pag aarugang ginawa nila para sakin mula sanggol pa ako. I know naman na hindi sila humihingi ng kapalit pero i just wanna give back. They deserve more than everything. Yung hindi lang basta pag offer ng isang tagumpay sa kanila kundi maiparamdam kung gaano ko sila kamahal at kasaya na sila ang naging magulang ko." Sagot nito.

"Yeah. Sila kasi ang never nang iwan satin. Kahit nagawan mo pa sila ng masama,  tatanggapin ka pa rin nila. Their love is unconditional." Komento ko.

"What if our parents won't accept us?"

Gusto ko sanang sabihin tanggap kami ng parents ko pero gusto kong isurpresa siya.

"We'll fight for our love. We'll make them understand what we have. Against all odds,  we'll stay together." Sagot ko.

Ngumiti naman ito at nagulat ako ng bigla siyang yumuko at nanlalaki ang mga matang nakatitig dito habang magkalapat ang mga labi namin.

Shit!

Nakapikit lang ito. At bumilang ang segundo na magkalapat pa rin ang mga labi namin. Hindi ako makagalaw dahil i never expected anything.

She's my first kiss!

Oh my God!

Our first kiss!

Oh my God!

Naramdaman kong ngumiti ito at saka nagmulat ng mga mata.

"Mahal kita,  Bea De Leon."

😍😍😍

Sabaw!

Bea's parents please? Yung susuportahan ka sa lahat ng bagay. At sasaluhin ka kung sakaling mahulog ka. 😊

Bea's room btw. Nakita ko lang sa isang website. Years ago pa yan.  Naiba lang ng ayos ngayon.

I Just WannaWhere stories live. Discover now