The A Team

2.9K 72 5
                                    

A/N: This is Fiction. And this is my work. Kung ano gusto ko, yun gagawin ko. No hate please.

BEA'S POV

"Samahan mo ako sa labas, Bea." Aya ni Tito sakin.

"Pa..." Tawag naman ni Jho.

"Okay lang." Hinawakan ko ang kamay nito at pinisil saka tumayo.

Nag excuse ako sa kanila at sumunod kay Tito.

Heto na talaga ang tunay na usapan. Kanina ay pinagkwento lang kami ni Jho kung paano kami nagkagustuhan. Oo, yun lang pinagawa ni Tita Lovel samin.

Pero tahimik pa rin ito na parang dinadigest pa ang kwento namin ni Jho. At si Tito ang bumasag ng katahimikan.

Hindi ko masyadong kilala si Tito dahil kapag sinasama ako ni jho rito at ng team ay wala ito at nasa trabaho. Saka madalang utong manuod ng live games ni Jho.

Mukhang mabait naman ito. Pero iba pa rin kapag Ama ng kasintahan mo. At karamihan sa mga nababasa at napapanuod kong movies ay stricto ang dad ng girlfriend.

Pasimple akong huminga ng malalim hanggang sa makarating kami sa likod bahay nila.

"Mahirap pa rin tanggapin na yung panganay ko ay may karelasyon na kapwa babae rin. Mahirap."

Napayuko naman ako.

"Parang gusto kong magsisi na sa kagustuhan kong mapag aral ang mga anak ko sa magandang eskwela ay kapalit na pagliko ng isa sa kanila. Hindi ko sila nagagabayan."

"Hindi naman po masisisi ang puso kung kanino siya iibig. Alam ko pong unusual ang relasyong meron kami, pero bakit di niyo bigyan ng chance na maipakita sa inyo na kahit pareho kaming babae.. Kaya naming magmahal ng tunay?" Sabi ko habang nakatingin sa likod nito.

Humarap ito at sinalubong ang tingin ko. "Pero naniniwala naman akong kapag nagmahal ka dapat mong dalhin pati ang utak mo. Hindi mo pwedeng pairalin palagi ang puso." Sagot nito.

He has a point. Be brave, Bei.

"Sa tingin niyo po ba ay hindi namin ginagamit ang mga utak namin dahil lang sa relasyong mayroon kami?" Tanong ko.

"Oo. Alam niyong mali iyan. Sa paningin ng lahat, mali yang relasyon niyo. At alam niyong bawal yan. Sa tingin mo, paano maipagpapatuloy ni Jhoana ang pag aaral niya kung tatanggalin siya sa team? Pag aaralin mo? Ng pamilya mo? May pangarap din ang anak ko. Sana wag mong ipagkait iyon."

"Kung sakaling dumating sa punto na alisin ang isa samin sa team, handa akong umalis para kay Jho. Magaling ang anak niyo para pakawalan ng Ateneo." Tugon ko.

Huminga ito ng malalim.

"Hindi ko kayo kayang tanggapin."

Ouch!

Hindi naman ako nakapagsalita dahil roon. Tumingin ako sa langit dahil sa nagbabadyang pagtulo ng luha ko.

"Kahit isang chance, Tito?" Tanong ko.

Sa hindi nito pagsagot, alam ko na ang sagot. Napatango ako at napayuko saka hinawakan puno ng ilong ko.

It hurts!

"Hindi ko kayo kayang tanggapin pero ayokong saktan ang anak ko. Kita ko ang lungkot niya nitong mga nakaraang araw. Suporta nalang ang maibibigay ko sa kanya."

Napatitig ako rito sa sinabi nito.

"At alam kong mabait kang bata, Bea. Sana ibigay mo sa kanya yung alagang hindi ko naiparamdam."

I Just WannaWhere stories live. Discover now