Cold as you

4.7K 109 8
                                    

Naguguluhan na ako sa takbo ng kwento.  Hehe!

 
  

BEA'S POV

Akala ko,  kaya ko.

Akala ko,  kaya ko ng makita na tuluyan na akong iniiwasan ni Jho.

Ansakit lang na kada magkakasalubong kayo,  parang hindi kayo magkakakilala.

Mas masakit pa sa ginawa niyang pag iwas sakin dati.

Kasi dati,  may chance na magkabati kami.  Ngayon,  wala na.

I ruined what we have.

After the AVC tourney,  balik training kami ng team. Pero bukas,  pupunta kami sa Batangas para magcelebrate sa na achieve ng team Pilipinas. 

Fifth place kami at para samin,  napakalaking bagay nun.

At dahil binigyan rin kami ng break nila Coach Tai,  sasama raw sila Kim samin.

Masaya sana kung kasama kita.

I signed.  Humiga muna ako sa kama ko dito sa house namin.  Dito muna ako umuuwi kasi nasasaktan ako.

Here,  i can cry.

And i can seek help from my parents.

**briszk briszk**

Kinapa ko yung phone ko at binasa yung message.

From EJ Pangs: Hey!  Saw your Beh with some guy dining in a romantic restau.  So sweet! 😈😁😁

Naibalibag ko tuloy ng wala sa oras yung phone ko.

Minsan nakakainis maging kaibigan ang Uste na yun.  Alam mo na ngang nasasaktan ka,  isasaksak pa sayo yung katotohanan.

Pero,  they are great in some ways.

Kapag trip ka,  aasarin ka ng aasarin hanggang sa mapikon ka.

Bumangon ako saka napatingin sa study table ko where a picture of Jho and I placed.

Namiss ko na siya.

Tumayo ako sa kama ko at lumapit roon.

Padabog pa akong umupo sa upuan. Nangalumbaba lang ako habang nakatingin sa picture.

"Bakit napakadali sayo,  beh?" Nakangusong tanong ko habang parang baliw na kausap ang picture frame.

"Ganoon lang ba kababaw ang pinagsamahan natin para itapon mo? "

Muling bumalik sa isip ko ang mga adventure na ginawa namin.

Yung mountain hiking namin.  Pagpunta namin sa Batangas at ipakilala niya rin ako sa mga magulang nito.

Inimagine ko pa na pinakilala niya ako as girlfriend.  Wahahaha!

Yung team vacation namin na nagsarili kami ng mundo.  Haha! 

Yung mga nakaw na oras after training or after class.  Wooo! 

Yung sweetness nito.

At yung mga simpleng tampuhan na nauuwi sa pagiging sweet ulit namin sa isa't isa.

Hashtag Nakakahulog talaga .

L O L!

"Hindi ko in-expect na tatapusin mo ang pinagsamahan natin.

Ang pagkakakilala ko sayo ay may malalim na pananaw.  That you won't just easily throw a friendship away." Sabi ko pa.

"Miss na kita,  beh. "

I Just WannaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon