Who's M?

5K 107 7
                                    


BEA POV

"I'd rather leave while I'm in love

While i still believe the meaning of the word

I'll keep my dreams and just pretend

That you and i are never gonna end"

Sino ba nagpatugtog niyan? Nakakagago ah!

'Ganda nung kanta. Bagay sa nararamdaman mo'

Parang baliw na naman akong nakikipagtalo sa isip ko.

"Oy beh, paayos nga nung clip."

Ang taong mahal mo..

Hinarap ko naman si Jho. "Let me." Nakangiting sagot ko rito.

Inayos ko ang pagkakaclip sa buhok nito habang ito naman ay nakahawak lang sa hem ng jersey ko.

"Bakit tulala ka kanina?" Tanong nito at bago pa ako makasagot ay nagsalita muli. "Sa court ka pa nakatulala, paano kung matamaan ka ng mga bola?"

"Ah may naisip lang. Hindi naman ako tinamaan eh." Sagot ko.

Hinila lang niya ako sa gilid saka pinanuod ang mga kasamang magpasahan ng bola.

"Are you ready?" Tanong ko sa kanya.

"Im ready to give Ate Ly and Ate Amy's lots of wins. You?"

"Ready to fly with you again. Have a better view from the top and attack them with our claws." Nakangiting sabi ko at mahigpit na pinagsalikop ang kaliwang kamay rito.

She smiles back. "Coz they haven't seen the best of us."

'Im glad she still remembers those simple moments. ' piping bulong ko.

"Thank you for coming back, Isabel Beatriz."
.
.
.

Our first game went well. We won in straight sets. Instead of joining the team dinner, kasama namin sila Dad. Sa bahay kami nagdinner.

Habang nasa banyo si Jho ay umupo muna ako sa harap ng study table ko.

May naisip naman ako. Kinuha ko ang sticky notes saka nagsulat. Mabilis kong tinapos at baka lumabas bigla si Jho ay mahuli ako.

Then i put those sticky notes sa head rest ng kama ko. Tapos kinuha ko yung stuff toy na hindi ko malaman kung teddy bear o aso.

Weird like Jho Maraguinot

After that, bumaba ako saka kinuha ang pinagawa ko kay mommy na cake. Inilagay ko sa tray pati pagkakainan namin.

Saka ako bumalik sa kwarto namin.

Pagbukas ko, nakita ko siyang nakatalikod sakin at nakaharap sa kama.

Sakto!

"Welcome back to your Home, Ms Jho De Leon!" I grinned.

Mabilis naman siyang humarap at lalong lumaki ang ngiti.

"Wow effort, beh!"

"Of course!" Sagot ko.

Ibinaba ko yun sa study table ko saka humarap.

"Andito na ulit ako bilang bestfriend mo. Pasasayahin ka at sasamahan sa lahat ng oras. Hinding hindi ka paiiyakin at susuportahan kita sa lahat ng naisin mo. Pero babatukan kita kapag mali ka na." I stated.

"Pero di ba..."

"Meron pa rin pero wag kang mag alala. Pinapangako ko na hindi na ako lalagpas pa sa pagkakaibigan natin. I swear to all Gods and Goddeses of all beliefs. Bea De Leon to be forever bestfriends with Jhoana Maraguinot." Putol ko sa sasabihin niya.

I Just WannaWhere stories live. Discover now