Last na 'to, Promise! P3

4.5K 111 2
                                    

JHOANA POV

Ilang minuto na ang lumipas pero nakatayo pa rin kami sa gitna ng field at walang nagsasalita.

Still hugging.. Nakabagsak na yung dalawang kamay ko sa gilid pero si Bea ay mahigpit pa rin na tila mawawala ako.

Maaaring mawala ka sa buhay niya once na makapagdecide ka.

"Bea, what do you want?" Tanong ko.

"You. I want you."

"You know my answer already. " i whispered.

Dahan-dahan naman siyang bumitaw at tumingin sakin maya-maya ay iniiwas ang mga mata saka ngumiti ng mapait.

"When we met. " i started. I cleared my throat and continue, "lesbian ka na ba talaga or naging lesbian lang nung makila--maging lady eagle ka? " tanong ko while trying to make a right term.

Muli siyang lumingon sakin. "Highschool pa lang ako, ganito na ako. I'm proud and accept of what i am."

"Bakit never mong sinabi sakin yan?"

"If i tell you, tatanggapin mo ba ako?" She countered. "Kung sinabi ko ba sayo na lesbian ako, kakaibiganin mo ba ako? Lalapitan at kakausapin? "

"It doesn't matter who and what you are. I'll accept you. You are my teammate. "

Napayuko naman ito at napapikit. "Teammate, haha! " natatawang kunwari na sambit pa nito. "Yeah, right. You will accept me because i am a teammate pero more than that? Wala. Hanggang teammate nalang ang magiging tingin mo sakin. Nawala bigla yung bestfriend."

"That's not what i meant. "

"Then change your words!" She almost shouted.

Umiwas nalang ako ng tingin.

"Kailan nagsimula yang nararamdaman mo?" Pag iiba ko ng tanong. Pinanatili ko ang blankong ekspresyon ko.

"Di ko alam! Hindi ko alam kung kailan nagsimula. Hindi ko alam, jho. Hindi ko alam kung paano at kailan nangyari. At kung bakit sayo pa. " naiiyak niyang sagot.

"God knows that i never wanted this. I never dreamt to fall inlove with my bestfriend. I never meant to fall for you, Jho. " she said softly.

"Bakit... Bakit napakadali sayong isantabi ang pagkakaibigan natin dahil sa nararamdaman mo? Bakit mas pinili mong masira ang pagkakaibigan natin? Bakit Bea? Anong nangyari? " pinunasan ko na rin yung luha ko.

"Napakahalaga sakin ng friendship natin--"

"Pero bakit sinira mo?! " galit kong sigaw.

"Hindi ko sinira Jho!" Ganting sigaw nito. "Hindi ko sinira. Tinanggap ko lang ang katotohanan. I dont wanna lived every each day of my life with you not telling you what i feel. Yung puso ko, gusto ng sumabog. Yung pagmamahal ko sayo, hindi ko na alam kung saan ko ilalagay. Para na akong mababaliw.

Sinabi ko sayo kasi, hindi ko na kayang itago. Hindi ko na kayang pagtakpan ang nararamdaman kong atraksyon sayo.

Its better to lived with the truth. "

Lumuhod siya sa harap ko. "Mahal kita, Jho. At hindi ko alam kung mawawala pa ba ito. Sa huling pagkakataon, gusto kitang makasama. Gusto kong maiparamdam sayo ang pagmamahal ko. Give me a chance, Jho. "

"Kung makahingi ka, parang napakadali, Bea." Tinalikuran ko siya.

"Alam kong alam mo na hindi ko na maibabalik ang pagkakaibigan natin dahil kahit piliin kong maging bestfriend mo, nandun na ang lamat at pagdududa mo sa lahat ng gagawin ko para sayo."

Tama ka, hinding hindi na maibabalik ang dating pagkakaibigan na meron tayo.

.
.
.
.
BEA POV

Kinain na naman kami ng katahimikan.

Andaming pumapasok sa isipan ko pero hindi ko alam kung ano ang una kong gagawin at sasabihin.

"Do you love me? " i asked and stood up.

"Do you love me? " tanong ko pa ulit.

Unti unti na namang bumalong ang luha sa mga mata ko.

"I understand your silence. " sabi ko.

"Hindi na kita guguluhin. Pero,  Jho always remember na kahit malayo ako,  mamahalin pa rin kita. All i'll be here if you ever change your mind."

You're all that matters to me.  And i just wanna stay by your side.

Tumalikod na ako at nagsimulang maglakad palayo rito.

"T-teka!"

Huminto naman agad ako pero hindi ako lumingon.

"Aalis ka ba sa team? "

I thought... Tsk!

Napakasama mo Jhoana Maraguinot!

"Siguro. " nagbuga ako ng hangin saka tumingala sa langit.  "Depende sa sitwasyon. "

Nilingon ko naman siya.  "I won't be able to take care of you kaya sana ingatan mo ang sarili mo." Lumapit ulit ako saka siya muling niyakap.

I put her head on my chest and wrap my arms around her.

"Thank you for coming here.  This will be the last." Sabi ko pa.

I slowly pull myself out and look down at her. 

Nakatitig lang siya sakin.

"Argh!" Niyakap ko ulit siya.  "Mamimiss kitang yakapin." Bulong ko bago tuluyang kumawala at mabilis na naglakad palayo.

.
.
.
.
.
"Hup!"

Naramdaman kong may pumalibot na mga braso sakin. Unti-unting humihigpit na parang ayaw akong pakawalan.

"Pilit kitang tinitikis na makausap at makasama ka,  pero kung aalis ka,  hindi ko kakayanin. "

I heard her sobs.

"You were the only person who sticked by my side."

"Jho.." Hindi ko mapigilan ang pagngiti nang marinig ang mga sinabi nito.

Pinigilan niya ako!

Hahahaha!

Pinigilan niya ako!!!

"Hanggang ngayon,  nagtatalo ang isip at puso ko tungkol sa sitwasyon natin. Di ko parin tanggap na may gusto ka sakin pero hindi ko kakayanin kung mawawala ang bestfriend ko. Hindi ko kakayanin kung mawawala ka Bea."

Tinanggal ko ang kamay nito at hinarap ito.

Hinawakan ko magkabilang pisngi niya at pinalis ang luha nito.

"Tanggapin mo lang ako,  masaya na ako." Bulong ko.

"Mahirap tanggapin,  bea pero... Mas mahirap kung babalewalain ko ang pinagsamahan natin. " sabi niya.

She looked back to me.  Her eyes telling me something.

"Please stay.. Please bear with me. Ipakita mo sakin na kahit anong trato ko sayo,  mananatili ka parin. "

"I will." Bulong ko saka muling niyakap ito.

"I love you. " bulong ko pa.

Humigpit lang ang yakap nito.

Masaya ako na hindi mo ko pinakawalan at gagawin ko ang lahat hanggang sa makita at maramdaman mo ang pagmamahal ko.

.
.
.
.

😑😑😑

Sabaw!

Hindi kasi kayang tikisin ni Jho si Bea!

I Just WannaWhere stories live. Discover now