...is falling

2.9K 77 6
                                    

  

  
  
BEA POV

"Hindi pa pala kayo legal ni Jho sa family niya?" Tanong ni kuya pagpasok niya sa kwarto ko.

I texted Kuya to fetch me in Ateneo. At heto kami ngayon, nakauwi na sa bahay at dito dumiretso sa kwarto.

"Not now,  Kuya." I whispered.

Ibinagsak ko ang sarili sa kama. Tumalikod ako rito saka tahimik na umiyak.

Ansakit eh. Ilang beses ba akong natarakan ng punyal? At wala man lang tumulong sakin. Ang girlfriend ko, tinitigan niya lang.

"Goodnight Bea." Narinig kong sabi ni kUya saka pinatay ang ilaw at sinara ang pinto.

Pumikit ako pero mas lalo akong naiyak dahil nagfflash sa utak ko ang nangyari kanina.
.
.
.
"You okay?" Tanong ni Maddie.

Mabilis naman akong umayos ng sarili. Nasa training nga pala kami. If the Coaches pansin pansin my game,  baka maghinala sila. Kaya kailangan energetic.

I smiled sweetly. "Oo naman!"

"May magseselos. Wag ganyan ngumiti." Sagot nito saka ako inambaan na kinatawa ko.

"Gumaganyan ka,  Madayag?" Inangasan ko siya saka tinaas ang manggas ng shirsey.

Hinawakan ko siya sa kuwelyo. "Ano,  lalaban ka?"

Bigla naman sumeryoso si Maddie. So cute! Haha!

"Hoy,  De Leon! Matakot ka, wushu artist yan!"

Bigla akong napabitaw saka lumuhod.

"Patawad, Amo! Patawarin mo ang aking kapangasan!"

HAHAHAHAHA!

"Ano daw, Bea? Pakiulit ang tagalog!" Sigaw ni Gi.

Lalo silang nagtawanan.

"Amo, pakiusap!" Acting ko pa.

"Sa isang kundiyon, kunin mo ito." Saka hinagis ang paper plate.

"Ah ha ha ha!" Nagtunog aso ako saka tumakbo gamit ang mga kamay at paa saka dinampot ang plate gamit ang bibig at bumalik rito.

Lalo namang nagtawanan ang lahat,  pati ako.

"Bagay sayo Bea! Hahaha!"

"Hoy, magbalik sa pwesto or 50 push ups?!" Sigaw samin ni Jia kaya agad kaming sumunod rito.

Grabe ka Jia!

Nag excuse ako kay Maddie at lumapit kay Jho na kanina pa tahimik.

"If they sees you so problematic,  they might think we have lq. And it's really a bad idea when i go home without some explanation." Sabi ko rito.

"Hindi ka na galit sakin?" Tanong nito.

"Why would i get mad with you?" Balik kong tanong.

"Tampo?" Tanong pa nito.

"Kahit sino magtatampo sa ginawa mo. Kahit sino magseselos kapag nakita mo ang karibal mo na masayang kausap ang mga magulang ng girlfriend mo. Nakakainggit..." Hindi na ako nag alinlangan pang sabihin kung ano ang nararamdaman ko.

Niyakap naman niya bigla ako. Walang pakielam kung nasa paligid ang coaches.

"They're just meters away from us, Jho. Let's talk nalang later. Now,  lets get this training done with some energy, okay?" Hinawakan ko siya sa balikat.

"Sige" parang napipilitang sagot nito.

Nagtraining na kami and i really tried na maging maganda ang training ko at di muna nagpaapekto sa nararamdaman.

I Just WannaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon